Kakayahan NG Mga Pre-Service Teachers Sa Pagtuturo NG Asignaturang Filipino

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024

American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR)


e-ISSN : 2378-703X
Volume-08, Issue-02, pp-273-281
www.ajhssr.com
Research Paper Open Access

Kakayahan ng mga Pre-Service Teachers sa Pagtuturo ng


Asignaturang Filipino
Ann Teffany M. Guevara1, Rafael A. Resada2, Indira P. Concepcion3, Sitti
Aisha G. Toto4, Analyn D. Saavedra5
1,2,3,4,5
College of Teacher Education, Western Mindanao State University, Philippines

ABSTRACT:Learning and the level of teaching ability are two of the very important components in the
efficacy of gathering of information especially in the field of education. This research is focused on the general
objective, which is to know the level of teaching ability of the PreService Teachers of the Western Mindanao
State University and its significant relationship with the learning of their students in Filipino subject. The
instrument used the descriptive correlational method through percentages, weighted mean, Pearson R
computation and 5-point Likert Scale. The respondents in this study are the critique teachers that serve as
mentor in their on/off-campus teaching as Pre-service teachers. The assessment of the teaching ability on
Filipino subject of the Pre-Service Teachers used a Likert Scale ranging from no excellence to excellent and the
learning of their students on the said subject. According to the results of the data collection, it was found out that
the general weighted mean of the teaching ability level in Filipino subject is 4.47 which is "excellent" and all the
variables in measuring the students' learning are "excellent". After analyzing the data using Pearson R
computation, the two variables used, appeared to have a “Strong Relationship and Significant”. This only shows
that when the level of teaching ability of a Pre-Service Teacher is high, the learning level of the students is also
high.

KEYWORDS: Ability, Filipino,IMRaD,Pre-Service Teachers, Teaching,

ABSTRAK:Ang pagkatuto at antas ng kakayahan sa pagtuturo ay napaka mahalagang sangkap sa epektibong


pagkalap ng impormasyon lalong-lalo na sa larangan ng edukasyon. Ang pananaliksik na ito ay binigyang tuon
ang pangkalahatang layunin, iyon ay malaman ang antas ng kakayahan ng mga Pre-Service Teachers ng
Western Mindanao State University at ang makabuluhang kaugnayan nito sa pagkatuto ng kanilang mag-aaral
sa asignaturang Filipino. Ginamitan ito ng descriptive correlational method sa pamamagitan ng mga
bahagdan, weighted mean, Pearson R computation at 5-point Likert Scale. Ang mga taga-tugon sa pag-aaral na
ito ay ang kanilang mga critique na nagsisilbing tagagabay sa kanilang pagtururo sa on/off-campus bilang mga
Pre-Service Teacher. Ang pagtatasa sa kakayahan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ng mga Pre-Service
Teacher ay ginamitan ng Likert Scale mula mahusay at napakahusay at sa pagkatuto ng asignaturang filipino
ng kanilang mga estudyante. Napag-alaman ayon sa resulta ng kanilang isinagawang pagkalap ng datos ang
general weighted mean ng antas ng kakayahan sa pagtuturo ng nasabing asignatura ay 4.47 na “napakahusay”
at lahat ng baryabol sa pagsukat ng pagkatuto ng mga mag-aaral ay “napakahusay”. Pagkatapos na inalisa
ang datos gamit ang Pearson R computation lumabas na may “Strong Relationship at Significant” ang
dalawang baryabol na ginamit. Nagpapakita lamang ito na kapag mataas ang antas ng kakayahan sa pagtuturo
ng isang Pre-Service Teacher ay mataas din ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Mga Susing Salita:Filipino,IMRaD, Kakayahan,Pagtuturo, Pre-Service Teachers

I. INTRODUKSIYON
Ang Edukasyon ay isang mahalagang paraan o aksyon na kung saan ay nagaganap ang pagbibigay at
pagkukuha ng mga impormasyon ukol sa mga bagay. Sa katunayan ang salitang Edukasyon ay nagmula sa
salitang Latin na “educere” na nangangahulugang magturo at magbigay ng patnubay [1](Cambridge
Dictionary). Ang salitang ito ay tiyak na alam na ng bawat indibidwal sapagkat simula noong bata pa ay
nagaganap na ang proseso ng edukasyon sa kanila mula sa simpleng pagtuturo ng kanilang mga magulang sa
larangan ng pagsasalita, pagbabasa at marami pang-iba. Ito ay maslaganap at pinagtutuunan ng pansin sa
paaralan na kung saan nagaganap ang pormal na edukasyon, ito rin ay nag nagbibigay ng karunungan at

AJHSSR Journal P a g e | 273


American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
kaalaman sa isang tao na magagamit niya upang tuparin ang kanyang hangarin ayon kina [2] Madre at
Marbella(2021).
Para sa mas epektibong edukasyon kinakailangan ng tagaturo, na siyang nagbibigay at naglalahad ng
mga kaalaman ukol sa isang paksa. Pagtuturo ay isa sa maaring mahirap na gampanin sa paaralan dahil marami
kang dapat na isaalang-alang, simula sa pagpaplano hanggang sa may matutuhan ang mga estudyante o mga
tagapakinig. Ayon kay [3] R. K. Bhardwaj (2019), maraming komisyon sa edukasyon ang naglagay ng iba't
ibang patakaran sa edukasyon, pananagutan, responsibilidad, mataas na ekspektasyon, at hamon sa komunidad
ng pagtuturo Sa katunayan nabanggit ni [4] A. Saavedra et al.(2022), ang lahat ng ito ay hindi makatutumbas sa
isang guro dahil sila ang nangingibabaw sa lahat ng mahahalagang bagay na kinakailangan upang matamo ang
kalidad ng edukasyon na patuloy na binibigyang diin ng sistema nito. Talagang masasabi natin na malawak at
mabigat ang layunin na kailangang matamo ng isang nagtuturo, dagdag pa ang mga responsibilidad na dapat
nilang magampanan sa loob man o labas ng paaralan, ngunit gaano pa man ito kahirap kinakailangan pa rin na
maihatid nila ang makabubuluhang paksa na tiyak na kapupulutan ng aral ng kahit sino man.
Kaakibat ng guro sa kanyang pagtuturo ang mga kakayahan na kanyang natutuhan mula sa apat na
taong pag-aaral sa kolehiyo ng edukasyong pangguro. Ito ang kanyang magiging sandata sa pagtuturo ng iba‟t
ibang aralin ng iba‟t ibang uri ng asignatura. Ayon kay [5] Spencer (1993), ang kakayahan o competence ay
isang katangian ng indibidwal na maaaring mahulaan ang pag-uugali at epektibong pagganap sa sitwasyon,
propesyon o trabaho. Ang kakayahan sa pagtuturo ay isang katangian na natututo at nahuhubog, isa ito sa mga
salik na nakaaapekto sa pagtataya ng pagkatuto ng mga mag-aaral nahahati ito sa kanyang estratehiyang
ginagamit, kasanayan sa pagtuturo, kahandaan at kabatiran sa paksa at classroom management.
Batay sa [6] Artikulo 14 ng Saligang Batas bilang hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang wika, isang paraan sa pagpapaunlad ng ating wika ay pagtuturo nito sa kurikulum ng edukasyon mula
elementarya, sekundarya at tersyarya.Sa pag-aaral ni [7] A. Saavedra et al. (2020), kaniyang binanggit na ang
Pormal na Edukasyon sa bansang Pilpnas ay may sinusunod na dalawang wikang opisyal up ang gamitin sa
paghahatid ng kaalaman mula sa unang panahon ng elementarya, bilang bunga karamihan sa mga mag-aaral na
Filipino ay may kakayahang magsulat at magsalita gamit ang mga wikang ito.
Sa pag-aaral ni Villafuerte noong [8] (2020), binigyang diin niya ang importansya ng wikang
kinagisnan, sapagkat sa pamamagitan ng wikang ito, rito magsisimula ang pagkatuto ng bata. Ang Filipino ay
isa ring Asignatura na itinuturo ng mga gurong may sapat na kakayahan sa wika, gramatika, panitikan,
ortograpiya at sintaks ng naturang paksa. Ang pagtuturo at pagkatuto ng asignaturang Filipino ay napakalawak
at ang antas ng pag-unawa sa mga paksang nakapaloob dito ay nakasalalay sa kakayahan at kahusayan ng mga
tagapaghatid ng kaalaman – ang mga guro.

II. KAUGNAY NA LITERATURA


1. Pagtuturo
Ang edukasyon sa paaralan ay nagsisilbing susi ng kamulatan sa mga bagay-bagay sa lipunan na tiyak
na kapupulutan ng kaalaman. Ayon kay Aristotle likas sa tao ang paghahangad na matuto. Tulad dito sa
Pilipinas ang Pormal na Edukasyon ay hindi na lamang basta-bastang isinasawalang bahala sapagkat
napakalaking tulong nito sa pag-unlad ng kanilang karungan. Sa katunayan isinasaad sa pananaliksik nina [9] S.
Maligalig, et al. (2010) na may mga paraan na ginagawa ang gobyerno upang mapag-aral ang bawat bata sa
bansang Pilipinas, ayon sa kanila isa sa mga implementasyon na ginagawa ng DepEd ay ang Drop-
outIntervention Program para sa Elementarya at Sekundarya, The former na kumbinasyon ng self-learning
materials at in-school at off-school mode para sa mga batang mahirap na makapunta sa paaralan. Ang mga ito ay
isa lamang sa mga hakbang upang mapataas ang enrollment rates ng mga paaralan sa elementarya at
sekundarya.
Hindi natin maikukubli na ang edukasyon ay hindi lamang nagbibigay ng pagkakataon na matuto ang
isang indibidwal; higit diyan ay may malaking epekto ito sa tao kung siya ay maghahanap na ng trabaho
sapagkat ito ang magiging lamang niya. Sa konklusyon ng pananaliksik nina [10] Aliet al.(2018),ibinaggit na
kung ang isang tao ay may mataas na pinag-aralan ay may mataas ding posibilidad na makukuha siya sa isang
trabaho. Para mapalinang nila ang kanilang karunungan ay kinakailangan nila ang edukasyon upang hindi
lamang mapayabong ang kanilang mga natutuhan kung hindi ay nagsisilbi rin itong lugar upang masanay sila sa
reyalidad ng buhay sa hinaharap.
Upang masepektibong matatamo ang akademikong edukasyon ay kinakailangan din ito ng mga
mahusay na tagaturo, ayon sa pag-aaral ni [11] R.A. Dar(2021), ang epektibong guro ay propesyonal at
pursigido sa pag-unlad at paglinang ng kanyang mga mag-aaral at lipunan. Dagdag pa sa interpretasyon ng
AJHSSR Journal P a g e | 274
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
kanilang pananaliksik ay ang epektibong guro ay ang gurong nais na paunlarin ang mga katangian ng mga mag-
aaral at higit sa lahat ay ang maging huwaran sa mga estudyante. Talagang kompleks at mahirap ang pagkalap
ng kaalaman sapagkat ito‟y binubuo hindi lamang ng mga mag-aaral kung hindi ay sa marami pang mga sektor
sa ating komunidad. Ito‟y kinakailangan ng kooperasyon at pagbubuklod-buklod ng lakas nang sa ganoon ay
masmatugunan natin ang pangangailangan ng ating kabataan sa layong mapaunlad ang kanilang kakayahan at
kaalaman gamit ang pormal na edukasyon.
Sa pagtalakay ng epektibong edukasyon ay hindi mawawala ang salitang “pagtuturo” sapagkat ito‟y
naka-angkla na sa konsepto ng pagkatuto. Ang pagtuturo ay hindi isang madaling gampanin na gagawin ng
isang tao. Sa pananaliksik na isinagawa ni [12] J. Ko, et al. (2013) mahalagang kilalanin na ang pagtuturo ay
hindi lamang isang sining, kung hindi ay mayroon itong malawak na binabasihan na kaalaman mula sa
ebidensya ng pananaliksik na tiyak na magbibigay ng nauugnay na patnubay upang itaguyod ang epektibong
pagsasanay. Pinapatunay lamang nito na ang pagtuturo ay hindi basta-bastang propesyon ito ay kinakailangan
ng malawakang pag-aaral upang matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante.

2. Kakayahan sa Pagtuturo
Ang kakayahan ng guro sa pagtuturo ay nagsisimula sa pagkakaroon ng ugnayan sa kanyang mga
estudyante. Ang mga persepsyon ng mga mag-aaral sa pagiging epektibo ng guro ay maaaring iugnay sa
tagumpay ng mga mag-aaral,[13] M. Akram (2019). Ang pagkakaroon ng koneksyon sa nagtuturo at mga
estudyante ay nagsisilbing mahalagang sangkap sa mahusay na pagkatuto. Ayon sa pag-aaral ni [14]N.S.
Bidabadi(2016), ang mahusay na paraan ng pagtuturo ay tumutulong sa mga mag-aaral na tanungin ang
kanilang mga “Preconceptions”, at nag-uudyok sa kanila na matuto.

Sa ika-21 siglo umusbong ang iba't bang paraan ng pagtuturo, mas maging handa ang kakayahan ng
mga guro sa pagharap nito. Sa araw-araw na buhay ng guro sa silid-aralan at sa napakaraming paksang
tinatalakay ang kakayahan ng guro sa pagtuturo ay talagang nasusubok kaya naman dapat maalam at flexible
ang kaguruan sa anomang oras. Ito‟y sinusuportahan ni[15] P.S. Moqaddam(2016), sa kanilang pag-aaral, ayon
sa kanila Ang guro ay kailangang pumili ng pinakamahusay at pinaka wastong pamamaraan sa pagturo batay sa
mga layunin sa edukasyon, nilalaman ng pagtuturo, interes ng mga mag-aaral, magagamit na kagamitan at
pasilidad. Ibig lamang nitong sabihin na hindi dapat maging kampante ang mga guro sa iisang estratehiya sa
pagtuturo, sapagkat sila ang mga sundalo ng edukasyon, kung kaya masmaigi na malinang nila ang kanilang
kakayahan sa pag-isip ng pamamaraan at metodo sa pagtuturo ayon sa paksa at kondisyon na kanilang
hinaharap.

Talagang walang makapapalit na kahit anumang teknolohiya sa kasanayan ng pagtuturo. Ang guro pa
rin ang mas-epektibong naglalahad ng mga kaalaman sa mga mag-aaral kung maalam at napalinang ng guro ang
kanyang kakayahan sa pagtuturo.

3. Epektibong pagtuturo at pagkatuto


Ang ating mga karanasan ay natutuhan sa iba‟t ibang pamamaraan maaari itong magmula sa ating mga
kamalian, personal na sitwasyon, mga lugar na ating napuntahan at malaking salik rin dito ang mga taong
nakakasalamuha natin, lalong lalo na ang mga guro. Kinikilala ang guro at pagtuturo bilang ang pinakanobleng
propesiyon, kaakibat nito ang kanyang mga kakayahan upang siguraduhing maayos ang daloy ng klase at
nagaganap ang isang epektibong pagtuturo na nagbubunga ng isang makabuluhang karanasan sa pagkatuto ang
isang mag-aaral. Ang isang mabuti at mahusay na guro ay laging may panahon na humanap o gumawa ng
inobasyon para sa pag-unlad ng performans ng isang bata [16] M. Silva (2018). Ang isang epektibong pagtuturo
ay nakasalalay sa kakayahan ng guro bilang tagahatid ng aralin, kasanayan, karanasan sa kanyang diversed na
mag-aaral.
Sa mga nakaraang pag-aaral ni [17] A. Al- Mutairi (2011), itinalakay ang pagtuturo bilang isang salik
na nagbibigay indikasyon sa akademik performans ng mga mag-aaral. Hindi lamang sa husay ng guro sa
pagsasalita umiikot ang kanyang pagiging epektibo ito ay pinatunayan sa pag-aaral ni [18] Chew (2020) at [19]
Keeley, et al. (2009), makikita ang pagiging epektibo ng isang guro sa pagtukoy ng layunin sa kanyang
pagtuturo , sa kanyang pamamaraan ng pagtugon sa mga isyung pedadogical at pagpapatupad ng mga
inobasyon at pagtataya sa pagkatuto ng mga mag-aaral: tiyak at partikular sa pag-aaral nito ay ang kabatiran ng
guro sa paksa, wastong saloobin, pananaw sa pagtuturo at sa propesiyon.

4. Filipino bilang Asignatura


Ang asignaturang Filipino ay ang pagsasalamin ng mga masaganang kultura, makukulay na tradisyon,
samu‟t saring wika, at makabuluhang kasaysayan ng bansa. Sa madaling sabi ito ang pagsasalamin sa bansang

AJHSSR Journal P a g e | 275


American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
Pilipinas. Mula sa ating pagka-alipin sa mga banyagang Kastila at Amerikano tayo ay napilitang aralin ang
katuturan at simulain ng mga nabanggit na lahi at nakaligtaan na payabungin at pag-aralan ang wikang ating
kinagisnan. Ang Decree of Education noong 1863 ay nagtatag ng kauna-unahang Sistema ng edukasyon sa
Pilipinas. Kinakailangan ito ang pamahalaan na magkaloob ng mga institusyong pampaaralan para sa mga lalaki
at babae ng bawat bayan. Dito nagsimulang magkaroon ng pormal na kurikulum ang bansa at kabilang na rito
ang pagtuturo ng Asignaturang Filipino.
Kung ang pagiging guro pa lamang ay isa nang napakadakilang propesyon, ano pa kaya ang pagiging
guro sa Filipino lalo pa‟t ito ang asignaturang nakatuon sa ating sariling wika at kasasalaminan ng tradisyon,
kultura, at higit sa lahat, ang pagkakakilanlan bilang mamamayang bumubuo sa isang bansang hinubog ng
makulay, masalimuot, at hindi matatawarang kasaysayan. Nararapat lamang na mabatid ng bawat Pilipino ang
kahalagahan ng pagiging guro sa Filipino bilang isang napakarangal na gawain para sa bansa.[20] Alejo etal.
(2015). Ang pagiging guro sa asignaturang Filipino ay isang trabaho na kalian man hindi matutumbasan ng kahit
anong asignatura dahil mas binibyang kinang ng mga gurong ito ang kultura ng kanyang sariling bansa,
kaalinsabay sa pag- agos ng panahon, mula noon hanggang ngayon.
Ang Asignaturang Filipino ay hindi lamang nakatuon sa pag-aaral ng kultura, katangian ng mga tao,
magagandang tanawin, pagkain at kasuotan. Ngunit, mariin ding tinatalakay at binibigyang importansiya ang
kasaysayan ng wika, gramatika, panitikan kung kaya‟t isa itong mabigat na pasan para sa mga guro na ilahad at
maikintal sa puso‟t isipan ng kaniyang mag-aaral ang bawat aralin at mga kahalagahan sa pag-aaral nito.
Guro ang siyang magtuturo ng lahat ng kinapapalooban sa malawak na saklaw ng asignaturang
Filipino, kung kaya‟t nararapat lamang na siya ay magtaglay ng mga kakayahan sa pagtuturo upang makamit
ang de kalidad na edukasyon [21] (De Guzman at Abagon, 2021) tulad na lamang ng wastong pagpili ng salita
at kanyang personalidad na maka-Filipino. Ang pagiging guro partikular sa asignaturang Filipino ay nararapat
lamang bigyang tuon lalo‟t higit ang sariling wika at sariling pagkakilanlan ang siyang tatak bilang isang lahing
Pilipino [22] Silva,(2018). Ang pag-aaral nina [23] J. De Guzman, et al. (2021) na pinamagatang “Kakayahan
ng mga Guro sa Pagtuturo at Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino ng Senior High School” ito
ang nagsilbing gabay at inspirasyon sa pagbuo ng pananaliksik. Batay sa naging resulta ng pag-aaral, ang
kakayahan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ng mga guro ay mahusay sa kasanayan sa pagtuturo at
napakahusay naman sa kabatiran sa paksa, wastong saloobin, pananaw sa pagtuturo at sa propesyon at
personalidad ng guro at ang kakayahan sa pagkatuto ng asignaturang Filipino ng mga mag-aaral ay napakahusay
sa pagpili ng wastong salita, wastong gamit ng mga salita, pagbuo ng pangungusap at sa panitikan. Sa pag-aaral
na ito ni J. De Guzman et al. (2021), malawakan ang mga napiling salik na nakaapekto sa pagtuturo at pagkatuto
ng guro at mag-aaral, ito ay nahahati sa iba‟t ibang bahagi at baryabol tulad na lamang ng dayalektong sinasalita
ng guro sa tahanan at ang kursong natapos nila sa kolehiyo ngunit ang mga ito ay napag-alaman na walang
makabuluhang pagkakaiba ang kakayahan sa asignaturang Filipino ng mga guro sa kursong natapos, bilang ng
taon sa pagtuturo, at dayalek na ginagamit sa tahanan. Para sa mag-aaral naman, natuklasan na may
makabuluhang pagkakaiba ang kakayahan nila sa wikang Filipino at sa kanilang track, babasahing kinagigiliwan
at dayalek na sinasalita sa kanilang tahanan.
Mula sa nabanggit na pag-aaral, ginamit ng mga mananaliksik ang kaparehong instrumento na Survey
Questionnaire sa pagkalap ng datos. Ang pagkakaiba ng naunang pag-aaral, Maliban sa pagpili ng kalahok, ay
mas nakatuon ito sa pagtuklas kung mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang mga napiling mga salik. Sa
kabilang dako, ang pag-aaral na ito ay binibigyang pansin ang kakayahan ng mga Pre-Service Teacher sa
pagtuturo at ang Kakayahan ng mga Mag-aaral sa Pagkatuto ng kanilang aralin sa Asignaturang Filipino at kung
ang dalawang baryabol na ito ay may makabuluhang pagkakaiba.
Sa pagbuo ng pag-aaral na ito ang mga mananaliksik ay napagtuonan din ng pansin ang mga pag-aaral
na may kaugnayan sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang filipino. Tulad na lamang sa
pag-aaral na isinagawa ni [24] R.M. Ibay (2021), na pinamagatang “Kakayahan ng mga Guro sa Filipino: Susi
sa pagpapayaman ng kaalaman sa Gramatika ng mga Mag-aaral.” Ayon sa resulta ng kanilang pag-aaral ay
katamtamang husay ang antas ng kakayahan ng mga guro sa Gramatika. Makikita natin na sa pag-aaral ni Ibay
ang ginamit na baryabol sa pagsukat ng kakayahan ng mga guro sa Filipino ay ang gramatika ngunit sa pag-
aaral na ito ang mga mananaliksik ay binigyang-tuon ang ibang mga baryabol sa pagkuha ng antas sa kakayahan
ng mga Pre-Service Teacher, sapagkat ayon kay[25] A. Sekinat et al.(2019), Dapat malaman ng mga guro ang
kahalagahan ng indibidwalidad ng mag-aaral at subukang isama sa kanilang mga aralin ang iba't ibang paraan
ng pagtuturo, materyales, paksa at isulong ang iba't ibang estratehiya sa pagkatuto na tutugon sa mga
pangangailangan ng lahat ng mag-aaral sa klase. Ibig lamang nitong sabihin na ang pagiging epektibong guro ay
isang guro na magaling at mahusay sa pangkabuuan na pagtuturo hindi lamang sa gramatika kung hindi pati na
rin sa ibang mga aspeto.

AJHSSR Journal P a g e | 276


American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
III. BATAYANG TEORETIKAL
Ang mga mananaliksik ay binigyang tuon ang Teoryang Content Based Instruction(CBI)[26]ni Saint
Augustine (1989), na kung saan ay naging sentro ito ng pag-aaral sapagkat wika, pagkatuto, at antas ng
kakayahan sa asignaturang filipino ang mga pangunahing naging baryabol sa pag-aaral na ito. Ayon kay [27]
Villalobos (2013), ang CBI ay isa sa mahahalagang diskarte ng pagtuturo sa paglinang ng wika dahil ito‟y
tumutugon sa pangngailangan ng mga mag-aaral lalong-lalo na sa wikang paksa. Isa sa dahilan kung paano ito
naging basehan ng pag-aaral ay dahil nais din malaman ng mga mananaliksik ang antas ng mga Pre-Service
Teacher sa pagtuturo ng asignaturang Filipino na siyang kinakailngan na katangian na mailinang, at ang
teoryang ito ay naglalayon na sanayin ang kakayahan ng isang mag-aaral upang magamit niya ang mga
karunungan sa wika hindi lamang sa oras ng pagtatalakay kung hindi sa labas din ng klase. Isa rin sa mga
Teoryang pinagbasehan sa pag-aaral na ito ay ang Teacher Efficacy Theory ng Research and Development mula
sa Estados Unidos ito ay naka-ugat sa Rotter’s Social Learning Theory (1966) sapagkat tinatalakay rito ang
pagiging epektibo ng mga guro sa kanilang pagtuturo.

IV. PAGLALAHAD NG SULIRANIN


Ang pananaliksik na ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang pangkalahatang kakayahan ng PSTs sa pagtuturo ng Asignaturang Filipino?
2. Ano ang antas ng kakayahan ng mga PSTs sa sumusunod na komponents:
2.1. Paghahanda ng PSTs
2.2. Kabatiran sa Paksa
2.3. Wastong saloobin, pananaw sa pagtuturo at propesyon
2.4. Personalidad ng guro
2.5. Kasanayan sa pagtuturo
3. Alin sa mga sumusunod na salik ang nangunguna sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino
ayon sa mga sumusunod na komponent?
3.1. Paggamit ng wastong salita
3.2. Kakayahan sa pagbuo ng pangungusap
3.3. Kakayahan sa pagkatuto ng panitikan
3.4. Paggamit/Pag-unawa ng wikang Filipino
3.5. Pagpapahalaga sa wikang Filipino
4. May makabuluhang pagkakaiba ba sa antas ng kakayahan sa pagtuturo ng Pre-Service Teacher at antas ng
pagkatuto ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino?

VI. METODOLOHIYA
1. Pamamaraang Ginamit
Ang pananaliksik ay gumamit ng descriptive- correlational method sa pamamagitan ng mga bahagdan,
weighted mean, Pearson R computation at 5-point Likert Scale. Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang
kanilang mga critiqueteacher na nagsisilbing gabay sa kanilang pagtururo sa off-campus bilang mga Pre-Service
Teacher. Ang pagtatasa sa kakayahan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ng mga guro ay gagamitan ng Likert
Scale mula mahusay at napakahusay sa sumusunod sa kasanayan, (a) paghahanda (b) kabatiran sa paksa (c)
wastong saloobin, pananaw sa pagtuturo at sa propesyon (d) wastong gamit ng mga salita (e) personalidad ng
guro. Ang pagtatasa sa pagkatuto ng mga natutuhan ng mag-aaral ay sa pamamagitan ng pagtataya ng kanilang
(a) paggamit ng wastong salita (b) kasanayan sa pagbuo ng pangungusap (c) kakayahan sa pagkatuto ng
panitikan.

2. Paraan ng pagpili ng mga Tagatugon


Sa bahaging ito, ang mga mananaliksik ay masusing pumili ng mga kalahok sa gagawing pananaliksik,
sa pagpili nito ay kinonsidera ang mga bagay tulad ng kaugnayan sa layunin, lugar, suliranin ng pag-aaral at
mga baryabol ng instrumento. Unang inalam ng mga mananaliksik ang mag-aaral sa 4th year PST’s ng College
of Teacher Education na kung saan ay nagtuturo ng Asignaturang Filipino at napag-alaman na ang BSED major
AJHSSR Journal P a g e | 277
American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
in Filipino at BEED ay nagtuturo ng Asignaturang Filipino sa kanilang On/Off Campus Teaching, at dahil doon
nagkaroon ng purposive sampling sa pagpili ng mga kalahok sa mga mag-aaral na kabilang sa nasabing kurso at
year level, pumili ng 15 na mag-aaral na galing BSED (Filipino) at 15 na nanggaling naman sa BEED program.
Matapos na mapili ang mga mag-aaral ay masusing inisa-isa ang kanilang mga Critque Teacher/Mentor na kung
saan ay siyang magiging tagasagot/tagatugon ng survey questionnaire na inihanda ng mga mananaliksik.
3. Instrumentong ginamit at pagpapatibay nito
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng istandardisadong instrumento na isang adaptedsurvey
questionnaire na nagmula sa pag-aaral ni J. De Guzman, et at. (2021), Philippine Professional Standards for
Teachers at Filipino Curriculum Guide. Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral napag-alaman ng mga
mananaliksik na hindi ito sapat upang bigyang katwiran ang mga tanong at pagbibigay sagot sa paglalahad ng
suliranin kung kaya dinagdagan ito ng tatlong (3) bagong baryabol, isa upang mataya ang kakayahan ng guro sa
pagtuturo (Paghahanda ng PSTs) na nagmula sa PPST at dalawang bagong baryabol upang mataya ang
pagkatuto ng mag-aaral (Paggamit/Pag-unawa ng Wikang Filipino at Pagpapahalaga sa Wikang Filipino) na
pinagbasehan sa Filipino Curriculum Guide; upang matiyak na masukat nito ang kailangan nitong sukatin. Sa
pagdaragdag ng mga baryabol ay dumaan ang bagong instrumento sa pagpapatunay validation, ito ay isiniyasat
ng mga eksperto sa larangan ng pagtuturo ng Asignaturang Filipino. Matapos ang komprehensibong
pagsisiyasat, dumaan ang binagong instrumento sa Pilot Testing at ang mga datos na nakalap sa masusing
pagsusuri gamit ang Statistical Package for Social Sciences na may 1.95 na reliability index.

4. Pangangalap ng mga Datos


Ang pangangalap ng datos ay isinagawa matapos ang pagsisiyasat at pilot testing. Isang liham ng
pahintulot ang ipinadala sa Tanggapan ng Dekano para sa Kolehiyong Pangguro upang hingan ng permiso na
isagawa ng mga mananaliksik ang sarbey sa mga natukoy na kalahok sa pag-aaral na magmumula sa Intergrated
Laboratory School ng Pamantasang Pampamahalaan ng Kanlurang Mindanao. Nang bigyan ng pahintulot,
nagtungo ang mga mananaliksik sa kanilang kalahok upang ibigay ang mga Survey Questionnaire na kanilang
sasagutan, kalakip nito ay ang informed consent na kanilang ilalagda at sila ay boluntaryong nakilahok sa
isinagawang pag-aaral. Ang tugon ng mga kalahok ay sinuri at binigyang kahulugan gamit ang Statistical
Package for the Social Sciences tool.

VII. PAGTATALAKAY
Upang matukoy ang minimum at maximum na haba ng uri ng 5-point Likert Scale. Ang range ay kinalkula (5-1
= 4) pagkatapos ay hinati sa lima (5) bilang ito ang pinakamamataas na bilang sa scale na (5 + 4 = 0.80).
Sumusunod rito, ang unang bilang, ang pinakamababang numero ay idinagdag upang matukoy ang maximum ng
cell na ito. Ang haba ng cell ay matutukoy sa pamamagitan ng talahanayan sa ibaba.

Talahayanan 1
Computation ng Range para sa 5-point Likert Scale

Range 5-point likert scale Adjectival Interpretasyon

1.0 – 1.80 1 Walang Kahusayan

1.81 – 2.60 2 Kinakailangan ng pagpapabuti

2.61 – 3.40 3 May katamtamang husay

3.41- 4.20 4 Mahusay

4.21 – 5.0 5 Napakahusay

Talahanayan 2
Pangkalahatang Kakayahan ng Pre-service Teacher sa pagtuturo ng asignaturang Filipino

Mean Adjectival Interpretation

4.47 Napakahusay

AJHSSR Journal P a g e | 278


American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
Sa Talahanayan 1, lumabas sa pangkabuoang datos sa pag-aaral na ito na ang General Weighted Mean ng
pinagsama-samang mean score ng mga baryabol ay 4.47 na nangangahulugang napakahusay ng mga Pre-
Service Teachers sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino. Ito ay nagpapahiwatig na magaling at tunay na may
kakayahan ang mga guro pagdating sa kanilang piniling larang. Sila ay nahubog ng kanilang mga karanasan at
ang paggabay ng mga kinikilala nilang mentor. Ang konklusyon na ito ay may pagsang-ayon sa pag-aaral nina
[28] L. Manasia, et al. (2019), nabanggit sa pag-aaral na ito na positibo ang kahandaan ng mga Pre-Service
Teachers partikular na sa mga variable ng pagbuo ng banghay aralin, propesiyong etika, pagsasanay
propesyunal, pakikihalubilong propesyunal at pagbuo ng relasyon sa mga magulang. Ito rin ay napatunayan sa
pag-aaral ni [29] D. Ocampo, (2021), mahusay ang mga Pre-Service Teacher kung naipapamalas nila ang mga
kognitibong kasanayan at kailangan nilang bigyan ng pagkakataon ang kanilang mga sarili para makapagtuklas
ng mga oportunidad para matuto bilang mga guro sa hinaharap.
Batay sa Philippine Constitution (Artikulo IV, Seksiyon 2, Ikalawang Bahagi) isinasaad na ang
pangunahing layunin ng pag-aaral sa kolehiyo ay ang pagsasanay ng bawat indibidwal para sa pagpapaunlad ng
bayan, maisapuso at linangin ang kasanayan, kaalaman at pagpapahalaga para maging isang productive na
miyembro ng lipunan. Nanawagan ang kontekstong ito, na tayahin ang kasanayang pedagohikal ng mga Pre-
service teacher, bilang isang sandata sa pagtuturo sa kanilang mga mag-aaral.

Talahanayan 3.
Antas ng kakayahan ng Pre-Service Teacher sa pagtuturo ng asignaturang Filipino

Mean Adjectival Interpretation


Paghahanda ng PST 4.56 Napakahusay
Wastong Saloobin, pananaw sa pagtuturo at propesiyon 4.53 Napakahusay
Personalidad ng Guro 4.49 Napakahusay
Kasanayan sa Pagtuturo 4.44 Napakahusay
Kabatiran sa Paksa 4.31 Napakahusay

Sa pagkalap ng mga datos makikita natin sa antas ng kasanayan ng mga PST sa pagtuturo ng asignaturang
filipino ay napakahusay. Lalong lalo na sa Paghahanda ng mga PST na naging una sa lahat ng aspekto ng antas
sa pagtuturo. Ito‟y napakahalaga sapagkat kapag alam ng guro ang kanyang gagawin sa pagtalakay ng kanyang
aralin, hindi lamang paksang ituturo kung hindi ay sa maraming aspeto ng propesyon sa pagtuturo. Ayon sa pag-
aaral nina [30] Z. Wu, et al. (2021), na ang pagsasanay sa pagtuturo ay nagbibigay ng isang mahalagang
kontribusyon sa pakiramdam ng mga guro bago ang aktuwal na serbisyo ng pagiging handa at nangangahulugan
ito na ang paghahanda ng guro ay kailangang magbigay ng malaking pagpapahalaga sa papel ng pagsasanay sa
pagtuturo. Naipakikita lamang nito na ang paghahanda ng isang guro o pre-service teacher ay hindi basta-basta
lalong-lalo na sa paglinang nito ito ay nangangailangan ng mahabang oras at mataimtim na pagbigay atensyon.
Hindi rin maikakaila na ito ang na ngunguna sapagkat may magandang epekto rin ang pagkakaroon ng ganitong
katangian sa isang talakayan, ayon nga sa pag-aaral na isinagawa nina [31] W. Kiamba, etal.(2016), na
pakalinaw na malaki ang epekto ng pagiging handa ng guro sa akademikong tagumpay ng mga mag-aaral. Ang
kanilang pag-aaral ay „di sinasang-ayunan sa artikulo na inilimbag nina [32] T. Kini, et al. (2016), ayon sa
kanila ang kasanayan sa pagtuturo ay may lubhang epekto rin sa mag-aaral, hindi lamang natututo ang kanilang
mga estudyante, kung „di ay inuudyok din nito ang kanilang partisipasyon tulad ng pagpasok sa paaralan.

Talahanayan 4.
Antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino bilang salik na nakakaapekto sa
kakayahan ng pagtuturo ng mga Pre-service Teachers
Mean Adjectival Interpretation
Pagpapahalaga sa wikang Filipino 4.45 Napakahusay

Paggamit/Pag-unawa ng wikang Filipino 4.36 Napakahusay

Kakayahan sa pagkatuto ng panitikan 4.26 Napakahusay

AJHSSR Journal P a g e | 279


American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
Paggamit ng wastong salita 4.23 Napakahusay

Kakayahan sa pagbuo ng pangungusap 4.21 Napakahusay

Batay sa nakalap na datos sa Talahanayan 4, lumabas ang pagiging mahusay ng mga mag-aaral sa sa iba‟t ibang
larangan pagdating sa pagkatuto ng Asignaturang Filipino; isa itong manipestasyon at repleksyon sa pagtuturo
ng mga Pre-Service Teacher ng nabanggit na asignatura. Sa pag-aaral ni [33] R. Ariaso, (2020), natuklasan na
ang self-initiated, boluntaryong saloobin na nagmumula sa natural na pagusisa at pagganyak ng mga mag-aaral
sa pagkatuto ng asignaturang Filipino ay may makabuluhang kaugnayan sa motibasyon ng guro sa pagtuturo ng
nasabing asignatura. Ito ay hindi sinang-ayunan sa pag-aaral ni [34] C. Pambid, (2002), na nagsasaad na ang
mga mag-aaral sa elementarya ay nagpapakita ng walang kahusayan sa Asignaturang Filipino partikular na sa
pagsusulat ng komposisyon ay marami silang kamalian sa pagbabaybay, pagbabantas at gramatika. Sapagkat
ayon kina [35] Gass, et al. (1994) na isa itong manipestasiyon na kinakailangan ng mga mag-aaral na mailahad
ang kanilang ideya sa pamamagitan ng kanilang pangalawang wika sapagkat kung hindi nila ito maisulat gamit
ang pangalawang wikang natutunan, nangangahulugan lamang ito na hindi nila naunawaan ang aralin.

Talahanayan 5.
Makabuluhan pagkakaiba sa antas ng kakayahan ng pagtuturo ng mga Pre-Service Teachers at antas ng
pagkatuto ng mga mag-aarak sa asignaturang Filipino.

PEARSON DESCRIPTION SIG (2 INTERPRETATION


R TAILED)

Antas ng pagtuturo ng PSTs vs. +0.684 Strong 0.001 Significant


Mag-aaral sa Asignaturang Relationship
Filipino

Ipinapakita rito ang makabuluhang pagkakaiba ng antas ng kakayahan sa pagtuturo ng mga Pre-service teacher
at ang antas ng kaalaman at pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino, ayon sa mga sumusunod na
resulta na nabuo sa pagkalap ng datos. Sinusuri ang datos gamit ang Pearson R Computation, ang resulta ay
nagpapakita na ang Pearson R ay +0.684 na nagpapahiwatig ng isang malakas na relasyon sa mga variable.
Dagdag pa, ang probability value ng Antas ng pagtuturo ng PST's at Mag-aaral sa asignaturang Filipino ay 0.001
na ibig sabihin ay may makabuluhang relasyon ang dalawang variable. Pinapakita rito na ang Antas ng
pagtuturo ng PST's ay nakaaapekto sa abilidad ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ibig
lamang nitong sabihin na kung tumataas ang antas ng kakayahan ng mga Pre-service teacher sa pagtuturo ng
asignaturang Filipino ay tumataas din ang kakayahan ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.
Ayon sa pag-aaral nina [36] Shafi et al. (2014), napag-alaman na ang kakayahan ng guro sa pagtuturo ay naka-
aapekto sa pagkatuto ng mga estudyante. Ibig lamang nitong sabihin na kapag mahusay ang guro sa pagtugon ng
kanyang misyon sa mundo ng pagtuturo ay tiyak na tataas ang lebel ng kakayahan ng mga mag-aaral sa
pagkatuto.

VIII. KONKLUSYON
Matapos ang masusing pagsusuri sa mga datos ng mga baryabol gamit ang SPSS bilang instrumento sa
pag-analisa at makabuo ng interpretasyon; ang limang baryabol sa pagtataya sa kakayahan ng guro pagdating sa
pagtuturo ng asignaturang Filipino at limang baryabol upang mataya ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay
nagpakita ng magandang resulta na may 4.47 na Computed Weighted Mean sa pangkabuoan at
nangangahulugang napakahusay ng mga Pre-Service Teacher sa Pagtuturo ng Asgnaturang Filipino, partikular
sa kanilang kahandaan, kabatiran sa paksa, wastong saloobin, pananaw sa pagtuturo at propesiyon, tamang
personalidad bilang isang guro at kasanayan sa kanilang pagtuturo. Dagdag pa rito, ang pag-aaral na ito ay
inilalahad ang mahalagang papel ng antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa ebalwasyon sa mga Pre-Service
Teacher. Inilahad sa talahanayan 3, na mula sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ng mga PSTs ay napakahusay
rin ng mga mag-aaral na iproseso ang mga aralin na itinuro. Sa ikaapat na talahanayan ipinakita ang
makabuluhang pagkakaiba ng antas ng kakayahan ng mga PSTs sa pagtuturo at ang antas ng mga mag-aaral na
inalisa gamit ang Pearson R computation lumbas na may strong relationship at significant ang dalawang
mapag-iisang baryabol, nangangahulugan na kung mataas ang antas ng guro sa kanyang Kakayahan sa
Pagtuturo ay mataas rin ang nagiging antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

AJHSSR Journal P a g e | 280


American Journal of Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR) 2024
Sinasangayunan ang pag-aaral na ito ang Teoryang Content-Based Instructions sapagkat ang mga mag-
aaral ay nagkakaroon ng mas makabuluhang karanasan sa pagkatuto ng kanilang pangalawang wika kung ang
kanilang guro ay may integrasyon ng kawili-wiling gawain sa pagtatalakay ng aralin. Pinatunayan din sa pag-
aaral na ito na ang konsepto ng Teacher’s Efficacy Theory sa pagtuturo ng Pre-service teacher at pagkatuto ng
mga mag-aaral ay totoo at may makabuluhang koneksyon sa paglinang ng karanasan sa pagkatuto ng mga mag-
aaral sa asignaturang Filipino dahil kung mataas ang antas ng kakayahan ng isang guro ay tiyak na tataas din
ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

IX. REKOMENDASYON
Mula sa nakuhang konklusyon, ang mga mananaliksik ay buong nagpapakumbabang iminumungkahi
ang mga sumusunod na rekomendasyon:
Maging Huwaran ang mga Pre-Service Teachers sa paggamit ng Wikang Filipino upang mas magamit
at mas malinang ng mga mag-aaral ang nasabing asignatura. Pangalawang mungkahi ay mas paunlarin ng mga
Pre-Service Teachers and paggamit ng Panitikan sa pagtuturo sapagkat ito‟y nakatutulong sa pag-unlad ng
kaisipan at pag-unawa ng mga mag-aaral. Sunod ay taglayin ang positibong personalidad ng pagtuturo nang sa
ganoon ay maging maayos ang pakikitungo at relasyon ng mga guro lalong-lalo na sa kanilang propesyon. Para
rin sa mga Administrator, minumungkahi ng mga mananaliksik na maging masusi sa pagsuri at pagoobserba sa
mga Pre-Service Teachers kung natugunan ba nila ang mga layunin ng pagtuturo. Panghuli ay para sa mga
susunod na mananaliksik na magsagawa ng katulad na pag-aaral hinggil sa Antas ng kaalaman sa asignaturang
filipino ng mga Pre-Service Teacher at ang epekto nito sa mga mag-aaral.

AJHSSR Journal P a g e | 281

You might also like