Cagayan State University: Keywords: Itawes Proverbs, Values, Lesson, Translation, Communicational Approach

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

International Journal of Arts, Sciences and Education ISSN: 2799 - 1091

Volume 2 Issue 1 | December 2021 Page No. 132-144

ELUCIDATING THE TRANSLATED ITAWES PROVERBS:


A COMMUNICATIONAL APPROACH

Grace Ligutan-Siplac
Cagayan State University
[email protected]

Abstract: Specifically, the translation and analysis of Itawit/Itawes proverbs from Cagayan,
particularly in Solana, was the subject of this research. The descriptive qualitative research
approaches as well as thematic analysis were employed in this investigation. In this research, the
goal is to translate Filipino proverbs into Itawes/Itawit, grasp the lessons that can be learned from
each proverb, and know the specific values that may be learned from each proverb when applied
to the lives of the Itawes people. According to the data, it can be stated that the Itawes proverbs
convey a great deal about the Itawes as people. Aspects of the “akkahi” lives that are discussed
include their interactions with others and their relationship with God. Aside from that, the
researcher discovers that there are several lessons to be learned from the proverbs from the
Cagayan region of the Philippines. So it is strongly advised that institutions, whether public or
private educational establishments or the local government continue to promote regional proverbs
by holding essay writing and poster-making contests, which can then be used as a mother tongue
language during school functions.
Keywords: Itawes proverbs, values, lesson, translation, communicational approach,

SALIN-SURI SA MGA SALAWIKAIN NG ITAWES: ISANG


KOMUNIKASYONG PAG-AARAL

Abstrak: Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa salin-suri ng sa mga salawikain ng Itawes ng mga
Cagayano partikular sa Bayan ng Solana. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong
kwalitatibong pamamaraan at thematic analysis. Layunin ng pag-aaral na ito malaman ang mga
salawikain ng mga Itawes/Itawit, maisalin ang mga salawikaing Filipino, maunawaan ang aral at
malaman ang mga kahalagahan ng mga salawikain sa buhay ng mga Cagayano. Batay sa
kinalabasan, dito nakikita ang pagiging isang Itawes/Itawit bilang isang tao sa pagsasalita at
paggamit nila ng Akkahi o salawikain ng Itawes/Itawit. Sa akkahi o salawikain din pinapakita
kung paano ang kanilang relasyon sa kanilang kapwa at sa Diyos. Batay din sa kinalabasan ng
masusing pagsusuri, natuklasan ng mananaliksik na napakaraming mga mabubuting aral at
kahalagahan ang ipinapahiwatig sa mga salawikain ng Cagayano. Kung kaya mahigpit na
inirerekomenda na ang mga paaralan maging ito ay nasa publiko at pribado, maging ang mga nasa
lokal na pamahalaan ay kinakailangan mananatiling maipalaganap ang mga lokal na salawikain sa
pamamagitan ng pagsagawa ng mga paligsahan tulad ng pagsulat ng sanaysay, paggawa ng poster,
islogan at iba pa at maaring gamitin at ipagamit ang mother tounge kapag may mga programa o
okasyon sa paaralan.
Susing salita: Itawes, pagpapahalaga, aral, salawikain, salin, komunikasyong pag-aaral

https://ijase.org [132]
International Journal of Arts, Sciences and Education ISSN: 2799 - 1091
Volume 2 Issue 1 | December 2021 Page No. 132-144

I. INTRODUKSYON
Ang bawat lugar sa ating bansa ay mayaman sa panitikan. Ito ay maituturing na isa sa kayamanang
dapat natin pagyamanin, ingatan at maipagmalaki. Ang akdang pampanitikan ay mahalaga
sapagkat dito ay nagkakaroon ng pagkakataon na makilala ang Pilipino sa ibang lahi. Ito ang siyang
tinatawag natin na nagbibigay ng pagkakakilanlan sa isang kultura.
Ang Pilipinas ay sagana sa mga pampanitikan na tunay ngang nagbibigay ng pagpapakilanlan sa
mga Pilipino. Narito ang mga awiting bayan, sawikain, salawikain, bugtong, alamat, pabula,
parabula, epiko at iba pa na nagpapatunay lamang na ang mga ito ay ilan sa maipagmamalaking
panitikan sa ibang mga lahi ng ating bansa.
Sa pamamagitan ng salawikain, nasasalamin ang kultura ng isang lahi sapagkat nakaangkla ito sa
kanilang kultura. Binanggit ni Pasagdan (2005) na ang salawikain ng Pilipinas ay isang tradiyunal
na kasabihan na ginagamit ng mga Pilipino batay sa kanilang lokal na kultura, karunungan at
pilosopiya sa buhay ng mga Pilipino. Ang panitikang taglay nila, pasalita man o pasulat ay
nagiging daan ito sa pagkakaunawan at pagpapahalaga sa kanilang kulturang kinagisnan. Panitikan
din ang sumasalamin sa kanilang nakagawian.
Ang salawikain ay isang panitikan na napapalamutian ng sining na siyang biningyang pokus sa
pag-aaral na ito. Nabanggit ni Ajesta (2011) na ito ay isang uri ng panitikan na masasabing luma
na sa panahon at nakalimutan ng mga bagong henerasyon. Alam naman natin na sa ating bansang
Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang lipi. Bahagi na ng buhay ng isang tao ang salawikain at maaring
maging batayan ito ng kanilang pilosopiya ng kanilang buhay (Romero, 2019). Isa na rito ang
Cagayano na nasa Hilagang Luzon. Taglay ng mga Cagayano ang mga salawikain na karaniwang
binibigkas lalo na ang mga matatanda upang magbigay aral at gabay gamit ang natatanging
kagandahan nito.
Ang mga Cagayano ay may iba’t ibang dayalekto. Ang isa sa pangunahing dayalekto ng mga ito
ay Iloko, Ibanag at Itawes/Itawit. Ang mga bayan ng probinsya ng Cagayan na ang kanilang
dayalek ay Itawes/Itawit ay Solana. Ang mga tao rito ay matatas sa pagsasalita ng kanilang
dayalek. Sila ay mahuhusay pagdating sa pagbigkas ng mga salawikain o akkahi sa Itawes/Itawit.
Ang salawikaing Itawes/Itawit o “akkayanan” sa lokal na dayalekto ay pwedeng isang prosa o
maaring ring patula. Ito ay paturo na kinapupulutan ng aral.
Samakatuwid, ang salawikain ay hindi lang para magbigay aliw dahil sa masining na pagkaayos
kundi pati na rin makapagbigay karunungan, nagbibibgay ito ng patnubay at makabuluhang mga
salita upang makabigay ng makabuluhang ibig-sabihin. Maging anuman ang dayalekto nito dulot
ng iba’t ibang etnograpikong kinalalagyan ng ating bansa.
Paglalahad ng Layunin
Sa Kabuuan, ang pananaliksik na ito ay naglalayong magsalin at magsuri sa mga salawikain ng
mga Itawes/Itawit.
Paglalahad ng Suliranin

https://ijase.org [133]
International Journal of Arts, Sciences and Education ISSN: 2799 - 1091
Volume 2 Issue 1 | December 2021 Page No. 132-144

Ang pag-aaral na ito na may paksang “ Salin-Suri ng mga Salawikain sa Itawes/Itawit” ay


naglalayong sagutin ang mga sumusunod na:
1. Ano ang mga salawikain sa wikang Filipino?
2. Ano ang mga salin nito sa Itawes/Itawit?
3. Ano-ano ang mga aral na makuha sa salawikaing ito
4. Ano-ano ang mga pagpapahalagang nakapaloob sa mga salawikain ng mga Itawes/Itawit?

Mga Kaunay na Literatura at Pag-aaral


Sa bahaging ito humanap ng iba’t ibang akdang pampapanitikan ang mananaliksik upang
maiugnay ang pag-aaral. Ang mga ito ay nagsisilbing batayan ng mananaliksik upang mabigyang
ng katugunan ang mga suliranin.
Ang bawat bansa ay may sariling kultura na siyang simbolo ng kanyang pagkakakilanlan. Ang
pagkakaroon ng sariling wika ay pagkakaroon ng sarili ring panitikan na nagpapakita ng sarili
nitong pagkatao, pagkalahi at pagkamamamayan (Macaraig 1997). Ang panitikan ay kasaysayan
ng kaluluwa ng mga mamamayan. Dahil sa panitikan, dito nasasalamin ang mga damdamin,
layunin, pag-asa, hinanaing at guni-guni ng mga mamamayan na nasusulat at binabanggit sa
maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na pahayag (Lorenzo, 2001).
Ang panitikan ang naging panumbas ng mga Pilipino sa literature ng Ingles. Ang panitikan ng
bansa Pilipinas ay nagpapahayag sa dalawang paraan. Ito ay ang pasalita at pasulat ng mga
damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa kanilang gawain,
maging sa pulitika at sa kaugnayan ng kanilang pananampalataya (Panganiban, et.al, 1998.). Ang
panitikan ay bunga ng isip na isinatitik. Ito ay nakapaloob sa sining na naglalayong matuklasan
ang kagandahan ngg mga bagay-bagay.
Ito ay matibay at panghabang panahong pagpapahayag ng mahalagang karanasan ng tao sa mga
salitang mahusay na pinili at isinaayos (Villafuerte, 2000). Ang tunay na kahulugan ng panitikan
ay matatagpuan sa katotohanang ito ay nauukol sa mga niloloob, mga ideya at damdamin ng tao.
Maraming pamana ang ating mga ninuno na mas lalong nagpayaman ng ating panitikan, kabilang
dito ang mga karunungan bayan gaya ng salawikain at kasabihan na napapahayag ng talas ng
kaisipan. Ang mga kasabihang Pilipino at salawikaing tagalog ay isinasaad sa mga maiiksing
pangungusap lamang subalit ang mga ito ay sadyang makahulugan at makabuluhan. Ito ay
kadalasang tumatalakay din sa mga karanasan ng ating mga ninuno at nakatatanda at naglalayong
ituwid ang ating pamumuhay ng naayon sa kanilang mga naging karanasan.
Ang salawikain ay mga patalinghagang pananalita na may sukat at kinapupulutan ito ng mga aral.
Ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng mga
matatanda. Ito ay nagbibigay aral sa mga kabataan. Ito ang nagiging gabay ng ating mga
magagandang kaugalian.
Kaugnay na Literatura
Maraming mga dalubhasa ang nagsasagawa ng mga pag-aaral tungkol sa pagsasalin at pagsusuri
ng panitikan dito sa ating bansa.

https://ijase.org [134]
International Journal of Arts, Sciences and Education ISSN: 2799 - 1091
Volume 2 Issue 1 | December 2021 Page No. 132-144

Sinabi ni Eugenio (2013) na ang ang salawikain ay maaring hatiin ayon sa pangkat; 1)
nagpapahayag ng panlahat na paningin sa buhay at sa batas ng buhay, 2) pangmabuting asal, 3)
nagpapahayag ng pagpapahalaga ng mga tao, 4) nagpapahayag ng panlahat na katotohanan at
pagmamasid sa buhay at kalikasan ng mga tao, 5} nakapagpapatawa at 6) iba pang pangkat.
Ang panitikan ay sumasailalim at naglalarawan ng kaugalian, paniniwala, pamumuhay, kaisipan
at siyang nagbibigay pagkakakilanlan sa isang kultura. Sa pamamagitan ng panitikan ating
mabatid ang pinanggalinggan ng isang grupo, kung nabago at umusbong ang kani-kanilang
yamang panitik.
Ang panitikan ay isang kilalang likhang-isip, isang bunga ng pagsasanib ng imahinasyon ng
manunulat at maraming bagay ang panlabas na reyalidad ang kinabibilangan niyang sistema, ang
pangkalahatang pananaw ng komunidad, ang sistemang sining o estetika, ang wikang ginagamit
at marami pang elemento ng kanyang tagapakinig o tiyak na panahon at pook.
Binanggit ng isang editor na si Gideor Tavera na ‘’ In order to qualify for inclusion, the language
must have a literature and be designed for the purpose of human communication”. Ayon sa kanya
malaki ang papel ng panitikan sa pag-unlad ng ating wika ng lipunan. Naipapaliwanag dito na ang
panitikan ay isa sa pagkakakilanlan ng isang bansa.
Sa aklat na inilathala ng Board of Regents of the University of Oklahama na may pamagat ng
World Literature Today ay biniyan nila ng kahulugan ang terminong dayalek, ‘’It is used in two
distict ways to refer to two different types of Lingustic Phenomena.’’ Ito ay nagmula sa Latin na
“dialects.” Ang terminong ito ay ginamit particular sa mga katutubo subalit maari rin itong bigyang
kahulugan sa ibang paraan tulad ng pangkat etniko.
Sa librong ito , tinatalakay rin ang tungkol sa Literacy Criticism na nangangahulugan “ The study,
evaluation and enterpretation of Literature”. Ang modernong pagsusuri ng panitikan ay kadalasang
nakaimpluwensiya sa iba’t ibang pilosopikal na pag-aaral ng mga metodolohiya at mithiin ng isang
panitikan. Ang dalawang ito ay magkaugnay subalit kapag ito ay susuriin ay magkaiba ang ibig
sabihin.

II. METODOLOHIYA
Inilalahad sa kabanatang ito ang mga hakbang na isasagawa at paraang gamitin ng mananaliksik
upang mabigyang solusyon ang mga suliranin ng pag-aaral. Ang mananaliksik ay gumamit ng
deskriptibo na nasa ilalim ng kwalitatibong pananaliksik. Upang lubos na mailarawan ang kung
gaano kahalaga ang salawikain “akkahi o unoni” sa buhay ng isang tao. At gumamit din ang
mananaliksis ng thematic analysis.
Lugar ng Pananaliksik
Ang lugar na ito ay isasagawa sa mga bayan ng Solana sapagkat sa mga bayang ito karamihan sa
kanila ay may kakayahan sa pagsasalita ng Itawes/Itawit.

Mga Kalahok na sa Pag-aaral

https://ijase.org [135]
International Journal of Arts, Sciences and Education ISSN: 2799 - 1091
Volume 2 Issue 1 | December 2021 Page No. 132-144

Ang mga respondante ng mananaliksik ay mga mamamayan ng taga Solana at Penablanca.


Susundin ang mga sumusunod sa pagpili ng mga kalahok:
1. Edad 50 pataas
2. Katutubong tagapagsalita ng itawes
3. Matagal na naninirahan sa lugar
Ang mga kasangkot sa pag-aaral na ito ay mga matatanda na magwawasto sa mga isinalin ng mga
respondante.

Paraan ng Pangangalap ng Datos


Ang paraan ng pangangalap ng datos sa pag-aaral na ito ay kinapapalooban ng mga hakbang. Ang
mananaliksik ay magsasagawa ng impormal na pakikipanayam sa mga matatandang Itawes/Itawit
ukol sa salawikain. Ang mga nilalaman ng katanungan ay ang mga sumusunod:
1. Ano ang mga alam ninyong salawikaing Filipino?
2. Ano ang katumbas nito sa Itawes/Itawit?
3. Ano ang mga aral na makukuha sa salawikaing ito?
4. Ano ang kahalagahan nito para sa inyo bilang Itawes?
Mula sa katanungan na pinasagutan ang mananaliksik ay kumuha ng labinlimang salawikain mula
sa nalikom na mga datos. Ang mananaliksik ay magpapawasto sa mga isinalin ng mga
respondante.

III. PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA


Sa kabanatang ito binubuo ang paglalahad, pagsusuri at pagpapahalaga sa mga salawikaing
Itwit/Itawes para maipakita ng mananaliksik kung paano tinalakay at sinuri ang ginawang pag-
aaral.

Paglalahad at Pagsusuri
Isa sa yaman na iniingatan ng mga Cagayano katulad ng mga karamihang liping Pilipino ang mga
bagay-bagay na tumutukoy sa kanilang pagkakakilanlan. Ang salawikain ‘’ unoni o akkahi’’ ay
isa sa mga angkin kayamanan ng mga Cagayano. Ito ay kaalamang-bayan na ginawang gabay nila
sa maayos at mabuting pagbibigay payo upang mapanuto ang bawat isa sa tama at wastong gawain
ng tao. Ito ay ginagamit ng mga matatanda upang magbigay aral para sa kanilang pagpapaalala sa
buhay lalo sa sa mga henerasyong nakababata.
Sa puntong ito, makikita ang mga kinalap na datos ng mananaliksik ang mga salawikaing Itawit
mula sa sinagutang katanungan ng mga grupo ng mga Itawit/Itawes. Mayroong labinlimang
salawikain ang nakalap mula sa mga respondante.
Talahanayan 1. Mga salawikain nagpapahayag hingil sa buhay

https://ijase.org [136]
International Journal of Arts, Sciences and Education ISSN: 2799 - 1091
Volume 2 Issue 1 | December 2021 Page No. 132-144

ITAWES/ITAWIT AKKAKAHI SALAWIKAIN SA WIKANG ARAL NA MAKUKUHA


FILIPINO
Awan na nga kwenta yo kaddat Aanhin pa ang damo Alerto sa patulong
Nu nagattat yo inangat. Kung patay na ang kabayo
Nu ilappat da kannikaw yo batu Kapag binato ka ng bato Huwag maghiganti
Lappakan mu ira pe kan pan. Batuhin mo sila ng tinapay
Yo tolay nga ammari mapipikat Ang tao kapag tahimik Mabuting manahimik
Adadalam yo appanonot na Kapag nag-iisip ay malalim kaysa sa magdaldal nang
Ngem yo tolay nga nelot yo ergo na Ang taong mabunganga walang kabuluhan
Awan na kabalinan yo kayan na. Walang kuwenta ang salita.
Yo tolay nga ari ammari na ammu Ang taong hindi marunong Pagkakaroon ng utang na
lipayan yo naggafuanan na lumingon sa pinanggalingan loob
Mari makakadet kan angngayan na Di makakarating sa paroroonan.
Nu hanna yo nemulam Kung ano ang itinanim Gumawa nang kabutihan
Yan yo angka pela gataban Siya rin ang aanihin. sa iyong kapwa

Batay sa talahanayan, makikita ang mga salawikaing nabibilang sa pagpapahayag hinggil sa


paningin sa buhay at batas ng buhay ay may makukuhang mga aral at kahalagahan katulad ng mga
sumusunod:

Alerto sa pagtulong. Ang ibig sabihin nito na kapag may taong humihingi ng tulong ay kailangan
tulungan kaagad. Huwag magdalawang isip na tumulong sa mga taong nangangailangan. Mahirap
na saka lamang tumulong sa taong nangangailangan kapag hindi na nararamdaman ang inyong
tulong sapagkat wala na ang taong dapat tulungan. Kaya nga sinasabi sa salawikaing ito “ Aanhin
pa ang damo, kung patay na ang kabayo”.

Sa buhay ng isang tao ay may nakakaranas ng kahirapan kung kaya’t may pagkakataon ang mga
taong naghihirap ay humihingi ng tulong sa taong maykaya.

Ang kahalagahan ng salawikaing ito ay kailangan kumilos ang tao sa tamang oras. Ang isang
bagay ay kailanman hindi na mapakikinabangan kung wala na ang talagang nangangailangan nito.

Huwag maghiganti. Ang ibig sabihin nito na anuman ang ginawa ng kapwa mo sa iyo kahit na ito
ay may kasamaan huwag mong gawin o ibalik ito sa kapwa mo. Kaya nga sinasabi ng salawikaing
ito “ kapag binato ka ng bato, batuhhin mo sila ng tinapay”.

Sa buhay ng isang tao madalas na kapag may isang tao na gumawa ng mali sa kanila hindi nila
hahayaan na hindi sila maghihiganti. Hanggang sa lumala na ang kanilan away. Ito ang maling
ugali ng mga tao.

Ang kahalagahan ng salawikaing ito ay huwag mong sabayan ang galit ng iyong kalaban. Hayaang
humupa ang galit nito at saka mo kausapin ng masinsinan. At mas mainam na gumawa ng
kabutihan kahit na ginawan ka ng kasamaan ng iyong kapwa.

https://ijase.org [137]
International Journal of Arts, Sciences and Education ISSN: 2799 - 1091
Volume 2 Issue 1 | December 2021 Page No. 132-144

Mabuting manahimik kaysa sa magdaldal ng walang kabuluhan. Ang ibig sabihin ng


salawikaing ito ay ang isang tao kapag tahimik ay hindi ibig sabihin na wala siyang alam. May
mga tao na pinipili muna ang kanyang sinasabi sapagkat alam nila na hindi nasusukat ang talino
sa dami ng salita na lumalabas sa kanilang bibig. Kaya nga sinasabi ng salawikaing ito na “Ang
tao kapag tahimik kapag nag-iisip ay malalim, Ang taong mabunganga walang kuwenta ang
salita”.

Sa buhay ng isang tao, halimbawa nalang sa mga mag-aaral, may mga mag-aaral na magulo sa
loob ng silid-aralan ngunit kapag sila ay tinawag upang mag-recite ay wala silang masasabi o
maisasagot. Samantalang may mga mag-aaral naman na sadyang tahimik ngunit kapag tinawag
siya ng kanyang guro ay malaman an kanyang mga salita.

Ang kahalagahan ng salawikaing ito ay mas mainam na manahimik at saka lang magsalita kapag
kinakusap at kapag may kabuluhan ang kanyang mga sinasabi upang hindi niya maipahiya ang
kanyang sarili.

Pagkakaroon ng utang na loob. Ang ibig sabihin ng salawikaing ito, na ang isang taong alam
niya ang magpasalamat mga taong tumulong sa kanya kung bakit siya nagtagumpay. Kaya nga
sinasabing ng salawikain na “ Ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, di
makakarating sa paroroonan”.

Sa buhay ng isang tao may mga taong natulungan at sila ay nagtagumpay. Halimbawa sa mga
estudyante pursigido sa kanilangg pag-aaral subalit walang sapat na pinansyal ang kanilang mga
magulang. Upang mapag-aaral siya, lumapit sa ibang tao o kamag-anak upang tulungan ito sa pag-
aaral. Hanggang sa siya’y nakatapos, naging propesyal at umangat ang kanyang buhay. Ang taong
tinulangan at naging nagtagumpay sa kanyang buhay ay muling bumalik sa mga taong tumulong
sa kanya upang pasalamatan sila nang lubusan.

Ang kahalagahan ng salawikaing ito ay marunong tayong bumalik sa ating pinangagalingan, sa


mga taong tumulong sa atin. Pasalamantan ang pagkakabangon sa mababang pinanggalingan at
mahalin, tumanaw ng utang na loob sa mga tao at lugar na kinaginasan kung saan at kanino siya
gumawa ng pangalan.

Gumawa ng kabutihan sa iyong kapwa. Ang ibig sabihin ng salawikaing ito na huwag kang
gumawa ng masama sa kapwa mo upang hindi din nila gagawin ito iyong kapwa tao. Kung
gumawa ka ng tama at kabutihan sa iyong kapwa magkakaroon ka ng gantimpa sa iyong kapwa
hindi man sa taong inyong tinulungan kundi sa ibang tao mo ito matatangap ang gantimpala. Kaya
nga sinasabi sa salawikain na “ Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin”.
Ang kahalagahan nito ay kung ano man ang inyong pinaghihirapan ay iyon din ang iyong
mapakikinabangan. May mapapala ka kung ikaw ay tumulong at gumawa ng kabutihan sa kapwa
mo.

https://ijase.org [138]
International Journal of Arts, Sciences and Education ISSN: 2799 - 1091
Volume 2 Issue 1 | December 2021 Page No. 132-144

Talahanayan 2. Mga salawikain hinggil sa pamilya

Yo ama nga nalappat Sa mga ama na masipag Mabuti at responsableng


Ammari mawanan kan makan. Masagana at puno lagi ang lapag. ama
Yo abbing nga ammu na yo Ang batang masunurin Pagiging mapangarap at
magina At may mataas na mitihiin masipag
Antre atanang yo mapanonot na Sana ang iyong hangarin
Pare hinan kan yo kaya na e mala Ay makamtan mo rin.
na.
Yo makitawa mari kagitta makan Ang pag-iisang dibdib ay hindi Kabanalan ang pag-
Nga nu malusyan awaya na parang kanin aasawa
laman na iyula. Na pwede pang iluwa kapag ito ay
mainit.
Nu ya isa nga familia magirindan Ang mga pamilyang kumakain at Payak, buo at matatag na
nga madibisyon antre mangan nagdarasal nang sabay-sabay pamilya
Mapiya yo attolatolay da. Ay nagsasama at nabubuhay nang
matiwasay.
Yo nakasta nga atawa Ang mabuting asawa ay mas Pagiging mabuting asawa
Ay importante annet kanyo mahalaga
naangngina nga vulawan ira. Kaysa mamahaling alahas.

Batay sa talahanayan, makikita ang mga salawikaing nabibilang sa pagpapahayag hinggil sa buhay
may pamilya ay may makukuhang mga aral at kahalagahan katulad ng mga sumusunod:

Mabuti at responsableng ama. Ang ibig sabihin ng salawikaing ito ay ang isang padre de pamilya
na handang pagpawisan ang pagkakayod ng salapi, mabibiyayaan din ng magandang buhay. Kung
kaya sinasabi ng salawikaing ito na “ Ang ama na masipag, masagana at puno lagi ang lapag.
Sa buhay ng isang tao, sa isang pamilya ang ama ang kadalasang gumagawa ng paraan para
maibigay ang pangangailangan ng kanyang mag-iina. Hinding–hindi siya tumitigil sa pagkakayod
dahil nais niyang mabigyang ng kasagaan at kaginhawaan ang kanyang mga anak. Kahit gaano
man kahirap ang trabaho kayang titiisin ito alang-ala lang sa kanyang pamilya.
Ang kahalagahan ng salawikaing ito ay handang magtiis at magtrabaho nang husto ang ama
mabigyan lamang ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Pagiging mapangarap at masipag. Ang ibig sabihin ng salawikain ito ay ang batang magsikap ay
lahat ng kanyang pangarap ay kayang matupad.
May mga pagkakataon sa buhay ng isang estudyante na gustong-gusto ng kanilang magulang na
pag-aralan ang kanilang mga anak, subalit hindi nakikinig at sinusunod ang mga ito sa kanilang
mga magulang. Maaring ang kadahilanan ay dahil sa katamaran. May mga anak naman na dahil
sa kanilang pangarap na makatapos at maging maayos ang kanyang buhay baling araw ay kanilang

https://ijase.org [139]
International Journal of Arts, Sciences and Education ISSN: 2799 - 1091
Volume 2 Issue 1 | December 2021 Page No. 132-144

sinusunod ang kanilang mga magulang. Dito lamang napapatunayan ang ibig sabihin ng
salawikain na” Ang batang masunurin at may mataas na mithiin, sana ang iyong hangarin ay
makamtan mo rin”.
Kahalagahan ng salawikain ito ay walang imposible sa isang batang mangarap kung sinasabayan
ng sipag at dasal. Kailangan din maging masunurin sa ating mga magulang.

Kabanalan ang pag-aasawa. Ang pag-aasawa ay isang sagrado sapagkat ito ay ipinagkaloob ng
Diyos sa atin. Kinakailangan na piliin ang taong nais natin makakasama habambuhay sa kahirapan
man o sa kaginhawaan. Ito ay hindi katulad ng isang bagay na kapag may kalumaan na ay
kailangan nang palitan ng bago. Kung kaya tinuturuan tayo ng salawikain na ito “ Ang pag-aasawa
ay hindi parang kanin na kapag napaso ay iluwa”.
Sa buhay ng mag-asawa ay hindi maiiwasan ang konting awayan o di pagkakaunawan. Huwag
hayaan na hindi malunasan ito upang hindi mauwi sa hiwalayan. Kailangan na pag-usapan ang
hindi pagkakaunawaan, ang gusot ay kailangan ayusin alang-ala sa mga anak. Isipin lagi ng mag-
asawa ang damdamin ngg kanilang mga anak sapagkat sila’y naaapektuhhan.
Ang kahalagahan ng salawikaing ito ay pinapaalalahanan kung gaano kahalaga ang pag-aasawa.
Hindi biro ang kasal o pagpapakasal kung kaya magpapakasal lamang sa isang taong iyong tunay
na minamahal at gustong-gustong makakasama habang buhay.

Payak, buo at matatag na pamilya. Ang ibig sabihin nito na ang isang pamilyang dikit, may
respeto sa isa’t isa, habang tumatagal ay lalong tumitibay ang pagsasamahan.
Sa isang pamilya may karamdamang kasiyahan ang isang buong pamilya kapag sila ay sama-sama
sa kanilang hapag kainan. Habang sila ay salu-salo sa pagkain ay nagkukuwentuan, nagkakaroon
ng palitan ng kurukuro at biruan. Ito ang tinatawag nating isang huwarang pamilya. Ito ang
nagpapatunay sa salawikain na “Ang mga pamilyang kumakain at nagdarasal nang sabay-sabay
ay nagsasama at nabubuhay nang matiwasay.
Ang kahalagahan ng salawikaing ito ay ang biniyayaan ng Diyos ang isang pamilyang sama-
samang nagdarasal, may kapayapaan sa kanilang tahanan at may pagmamahal sa isat isa.

Pagiging mabuting asawa. Ang isang mabuting asawa ay hangad nito ang masaya at maayos na
pamilya. Masasabing isang tunay na kayamanan na walang kapantay na halaga ang maaring
panumbas nito. Tama ang salawikain na “Ang mabuting asawa ay mas mahalaga kaysa
mamahaling alahas”.
Sa buhay ng isang taong may asawa, pagkakatandaan na ang pinakamagandang bagay na
magagawa ay hindi ang pagkakaroon ng may mataas na posisyon, may malaking naipundar kundi
ang isang mabuting asawa ay nagagampanan niya ang kanyang tungkulin sa kanyang pamilya.
Naibibigay ang pangangailangan ng kanyang mga anak at asawa, mapalaki nang maayos ay may
takot sa Diyos ang mga anak.

https://ijase.org [140]
International Journal of Arts, Sciences and Education ISSN: 2799 - 1091
Volume 2 Issue 1 | December 2021 Page No. 132-144

Ang kahalagahan ng salawikaing ito sa isang may asawa ay maturuan, magabayan tayo kung
paano ang maging isang tunay na mabuting asawa upang magkakaroon ng masaya at maayos na
pamilya.

Talahanayan 3. Salawikain hinggil sa katotohanan pangkalahatan

Ammari nga kwan kanya Huwag mong gawin sa iba Maging mabuting tao sa
kasittolem Ang mga bagay na ayaw mong iyong kapwa
Yo ammarim nga makwa da kan gawin sa iyo
nikaw.
Makappasiran ya aggaraarut Nakakahiya ang pagiging sakim Huwag maging ganid
Yo pagkaararat e mas meduffu Ang pagmamadali ay nauuwi sa Pag-isipan nang mabuti
ka nu makaararat ka. pagkakamali ang iyong gagawin o
hakbang
Mari matenat yo isa nga tolay yo Ang kahirapan ay nalulunasan ng Pagiging masipag
ziyyat kasipagan
Nu nalappat.
Yo tolay nga mammu Ang taong may karunungan ay Ang taong may dunong ay
Mari bastabasta nga hindi basta malalamangan. hindi maiisahan
mapalavvunan.

Batay sa talahanayan, makikita ang mga salawikaing nabibilang sa pagpapahayag hinggil sa


katotohanan pangkalahatang salawikain ay may makukuhang mga aral at kahalagahan katulad ng
mga sumusunod:

Maging mabuting tao sa iyong kapwa. Ang isang tao kapag mabuti siya sa kanyang kapwa,
magiging mabuti din sila sa iyo. Ang bawat ginagawa natin sa isang tao ay bumabalik din sa atin.
Gumawa lamang nang tama sa iyong kapwa upang ibabalik din sa iyo ang iyong ginawang
kabutihan sa iyong kapwa tao.
May mga pakakataon sa buhay ng isang tao na nagagalit sila dahil sa ginagawa ng kanilang kapwa
sa kanila. Hndi kaya maaaring nais lamang iparamdam ng kapwa mo kung ano ang pinaparamdam
mo sa kanila. Kaya napapatunayan laman ng salawikain ang “ Huwag mong gawin sa iba, ang mga
bagay na ayaw mong gawin saiyo”.
Ang kahalagahan ng salawikain sa buhay ng isang tao kailangan gumawa nang tama at mabuti sa
kapwa upang mabuti rin ang ganti. Huwag manloko sa ibang tao sapagkat darating ang panahon
na makakaranas din tayo ng panloloko mula sa iban tao.

Huwag maging ganid. Ang taong sakim ay laging nag-iimbak para sa kanyang pansariling
kasaganaan at walang hinangad lamang kundi ang mapabuti ang sarili at walang pakialam sa iba.
Kung kaya’t sinasabi ng salawikain “Nakakahiya ang pagiging sakim”.

https://ijase.org [141]
International Journal of Arts, Sciences and Education ISSN: 2799 - 1091
Volume 2 Issue 1 | December 2021 Page No. 132-144

Sa buhay ay hindi natin maiiwasan na makatagpo ng mga sakim na tao. Sinasabi na may
kadahilanan ang paggiging isang sakim ngunit hindi ito tama. Sinasabing may mga ibang tao na
likas sa kanila ang pagiging ganid o sakim ngunit ito ay hindi tamang kadahilanan. Sapagkat ang
pagigingg isang sakim o ganid ay walang maidudulot na kabutihan hindi lang sa iyong sarili kundi
sa kapwa.
Ang kahalagahan ng salawikaing ito ay upang mailahad at maipagbigay alam na ang pagiging
isang sakim o ganid ay hindi tama. Ito ay hindi magandang ugali ng isang tao at dapat itong palitan
at dapat ding ikahiya at huwag pamarisan.

Pag-isipan nang mabuti ang iyong gagawin o hakbang. Ang isang tao ay kailangan na pag-isipan
ang lahat ng kanyang gagawin. Huwag magpadalo-dalos sa mga desisyon. Kailangan na mag-
ingat sa kung ano ang binabalak mo sa iyong buhay.
Minsan sa buhay ng isang tao ay kaya sila hindi nagtagumpay sa kanilang buhay ay dahil sila’y
nagmamadali sa mga bagay-bagay. Halimbawa sa isang babaeng nagmamahal, dahil sa nais na
niyang magkaroon ng kasintahan at mahal niya ito hindi na niya inisip kung tama ang kanyang
pasya na mahalin siya. Hindi na niya inalam ang background ng kanyang mamahalin. At hindi
nagtagal ay doon palang niya nakita ang tunay na ugali ng kanyang minahal mahirap niya itong
hiwalayan pa para sa kanya dahil may nangyari na sa kanila. Dito nagpapatunay lamang sa
salawikaing ito ang “ Ang nagmamadali ay nauuwi sa pagkakamali”.
Ang kahalagahan ng salawikaing ito, ang isang tao kailangan na pag-isipan ng maraming beses
ang lahat ng mga bagay na hakbang at desisyon sa buhay upang hindi pagsisihan ang lahat ng mga
ito. Huwag magmadali sa iyong buhay upang hindi magkamali.

Paggiging masipag. Ang taong naghihirap ang tamang kalunasan nito ay kasipagan. Walang taong
na nakakaranas ng paghihirap kung ang nasa kanyang puso ay ang paggawa. At ang isang taong
umuunlad sila ay masisipag. Ibig sabihin hindi ka makararanas ng paghihirap kung ikaw ay
masipag na tao. Kung kaya ang salawikaing ito ay nagpapaalala “ Ang kahirapan ay nalulunasan
ng kasipagan”.
Ang kahalagahan ng salawikaing ito ay kailangang pag-isipan ng mga tao kung gaano kahalaga
ang sipag kaakibat ang tiyaga kung nanaisin na uunlad ang iyong buhay. Kinakailangan na hindi
lang hanggang sa salita kundi kailangan itong isagawa para sa katagumpayan ng iyong buhay.

Ang taong may dunong ay hindi maiisahan. Ang taon magaling ay mas nakaaangat kaysa sa
taong walang alam. Kaya sinasabi sa salawikain ito “ Ang taong may alam ay hhindi basta
malalamangan.
Ang isang taong marunong at may alam ay hindi basta-basta maloko. Hindi rin basta-basta
naniniwala at may malinaw na pag-iisip at paningin sa lahat ng mga bagay-bagay. Halimbawa
kung may isang dokumento na ipapapirma sa iyo hindi ka basta pipirma kundi kailangan muna

https://ijase.org [142]
International Journal of Arts, Sciences and Education ISSN: 2799 - 1091
Volume 2 Issue 1 | December 2021 Page No. 132-144

basahin, alamin at intindihin ang nilalaman ng dokumentong ito. Sapagkat ang isang taong
marunong, magaling ay sinisigurado ang lahat bago ito magdesisyon.
Ang kahalagahan ng salawikaing ito ay ipinapaalam lamang sa mga tao na kailangan gamitin ang
utak, maging alerto ay marunong upang hindi tayo madaling maloko ng mga taong mahilig
manloko o malamang sa kapwa. At upang maiiwasan ng isang tao ang maling kapasyahan.

IV. KONKLUSYON AT REKOMENDASYON


Konklusyon
Batay sa mga natuklasan sa pananaliksik na ito, narito ang mga sumusunod na konklusyon:
Ang salawikain ng Itawes ay napapatunay na sila ay isang tunay na taong Itawit/Itawes.
Ipinapakita ng ‘’unoni o akkahi’’ kung paano ang kanilang relasyon sa kanilang kapwa at sa
Diyos. Makakatulong ang salawikain ito para magkaisa ang mga naninirahan sa isang lugar. Ang
‘’unoni o akkahi’’ ay nakakatulong nang malaki para sa pagpapalawak ng payo, pabibigay-aral at
paalala upang magabayan ang bawat indibidwal ng tama at mabuting pamamaraan ng pamumuhay
lalo na sa mga kabataang walang pagpapahalaga sa tama at wastong pag-uugali. Ang salawikain
ay napakahalagang gamitin sapakat mas tumatalab at tumatagos ito sa isip at damdamin ng mga
tao.
Sa kabuuan, ang salawikain o ‘’akkahi’’ in Itawes/Itawit ay mainam na instrumento upang daan
ng pagpapayo at pagbibigay aral, pagpapaalala, pang-aliw at iba pa dahil sa nakahuhumaling
nitong kaayusan at anyo.

Rekomendasyon
Matapos ang ginawang pag-aaral ng mananaliksik tungkol sa Salawikain “ akkahi o Unoni’’ ng
Itawes/Itawit. Narito ang ilang mga mungkahi o rekomendasyon:
1. Ang institusyong pang-akademiko ay kailangan tingnan at isama ang Akkahi bilang isa
paksang-aralin sa mga asignatura tulad ng panitikan at araling panlipunan.
2. Magkaroon ng malawakang pag-aaral sa mga salawikain ng mga Cagayano.
3. Sikapin maglagay ng mga poster sa mga publikong lugar na maraming makakakita at
makakabasa.

Sanggunian
Ajesta, A.L. (2011). Salawikaing Butuanon: Isang Pagsusuri sa mga Aral. Volume 16. No.1,
June-July 2011
Eugenio, D., ed. (2019.) Philippine Folk Literature: An Anthology. Quezon City:

https://ijase.org [143]
International Journal of Arts, Sciences and Education ISSN: 2799 - 1091
Volume 2 Issue 1 | December 2021 Page No. 132-144

The University of the Philippines Folklorists Inc., 1982. (Online)


Lorenzo, C. (2001). Literatura ng Iba’t ibang Rehiyon ng Pilipinas.
Grandwater Publication and Reseach Corp.,.ISBN 9717250758, 9789717250755, 2001.
Macaraig, M.(2004). Sulyap sa Panulaang Filipino. Rex Book Store. ISBN 976-23-3908-4.2004

Panganiban, J.V., et al. (1998). Panitikan ng Pilipinas. Rex Book Store (Manila,
Philippines).ISBN 971-23-1884-6. September 1998.
Pasagdan,M. (2005)."Salawikain, proverbs, kasabihan, proverb". The New
Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Mandaluyong City).
ISBN 9710817760.
Romero, B. (2019). Content Analysis on Itawes Proverbs. ISSN 2278-6236 (Online) Vol.8,
No.6, June 2019
Santiago, E. . (1989). Panitikang Pilipino. Mandaluyong City: National Book Store.

https://ijase.org [144]

You might also like