Lipunan
Ang artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago. Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga pagbabago. Pakisilip ang mga nakaraang pagbabago kung gusto mong makipag-usap sa user na naglagay nito rito. Maaari itong tanggalin kung walang naganap na mga pagbabago sa mga susunod na araw matapos itong ipaskil dito. Maliban kung walang mga pagbabago, hindi dapat ito burahin. |
Lipúnan o sósyedád ang pangkat ng mga indibidwal na may kaugnayan sa isa't-isa, madalas base sa kultura, kaugalian, at saloobin, at naninirahan sa isang tiyak na teritoryo pinamumunuan ng isang pinuno o grupo ng mga pinuno. Sa mga tao, isa itong komplikadong istraktura na kooperatibo sa pamamagitan ng paghahati sa trabaho base sa mga inaasahang gampanin ng bawat isa sa naturang pangkat. Nakaayon ang mga gampanin na ito sa mga konsepto ng lipunan na kinokonsiderang tama o mali, kilala rin sa tawag na mga norm. Dahil sa kolaborasyong kaakibat nito, nagagawa ng mga lipunan ang mga bagay na hindi magagawa nang mag-isa.
Magkakaiba-iba ang mga lipunan base sa kanilang natamong antas ng teknolohiya at ekonomiya. Madalas, mas dominante at hiyarkikal ang mga lipunan may sobra-sobrang pagkain. Magkakaiba rin ang anyo ng pamamahala sa mga lipunan, gayundin sa mga pagpapamilya at gampanin ng kasarian. Nakaangkla ang kaugalian ng tao sa lipunan; bagamat tao ang humuhulma sa mga lipunan, hinuhulma ng lipunan ang ugali ng mga tao.
Etimolohiya
Isang pangngalang kolektibo ang lipunan, na may literal na kahulugan na "pagtitipon". Makikita ito sa salitang-ugat nito na lipon, na tumutukoy naman sa isang koleksyon, hindi lamang ng tao. Isa rin itong pandiwa noon, bagamat nawala ang paggamit nito sa modernong Tagalog dahil sa mas madalas na paggamit sa karaniwang diskurso ng mga kaugnay na salita nito na tipon na may kaparehong kahulugan, at likom, na nangangahulugang "magkolekta". May kaugnayan din ito sa salitang lupon, ang tawag sa isang grupo ng mga taong namamahala ukol sa isang bagay kagaya ng pagsesensor ng pelikula.
Samantala, nagmula naman sa wikang Espanyol na sociedad ang salitang sosyedad. Bagamat madalang gamitin kumpara sa lipunan, makikita pa rin ito sa ilang mga salita sa wikang Tagalog tulad ng alta sosyedad, isang lumang tawag sa mataas na lipunan. Nagmula ito sa wikang Pranses na societe ("kumpanya"), na nagmula naman sa wikang Latin societas ("alyansa", "kapatiran") mula sa pangngalang socius ("kaibigan").
Ideya
Sa biolohiya
Likas sa mga tao, gayundin sa mga kamag-anak nitong mga bonobo at chimpanzee, ang pakikisalamuha sa iba. Ito ang pinaniniwalaang nagdulot upang umusbong ang mga lipunan. Mataas ang antas ng kooperasyon ng mga tao, na iba sa mga grupo ng mga kamag-anak nito, tulad halimbawa ng pagiging magulang ng lalaki, ang paggamit ng wika, ang paghahati sa trabaho, at ang pagsasagawa ng mga "pugad" katulad ng mga bahay, bayan, o lungsod.
Inihahanay ng ilang mga biologo tulad ni E.O. Wilson bilang mga eusosyal na hayop, ang pinakamataas na antas ng sosyalidad o pakikisalamuha sa mga hayop, kahanay ng mga langgam, bagamat hindi lahat ay sumasang-ayon sa pananaw na ito. Ipinagpapalagay na natural na umusbong ang pamumuhay sa grupo sa mga tao dahil sa pagpili sa grupo na hatid ng mga pisikal na kapaligiran na maaaring mahirap tirhan.
Sa sosyolohiya
Sanggunian
Pagsipi
Pinagkunan
- Brown, Donald E. (1988). Hierarchy, History, and Human Nature: The Social Origins of Historical Consciousness. University of Arizona Press. ISBN 0-8165-1060-1. LCCN 88015287. OCLC 17954611.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Conerly, Tanja; Holmes, Kathleen; Tamang, Asha Lal (2021). Introduction to Sociology (PDF) (ika-3rd (na) edisyon). Houston, TX: OpenStax. ISBN 978-1-711493-98-5. OCLC 1269073174. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2022. Nakuha noong 9 Enero 2024.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Lenski, Gerhard E.; Lenski, Jean (1974). Human Societies: An Introduction to Macrosociology (ika-2nd (na) edisyon). New York: McGraw-Hill, Inc. ISBN 978-0-07-037172-9. LCCN 73008956. OCLC 650644.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Lenski, Gerhard E.; Lenski, Jean (1987). Human Societies: An Introduction to Macrosociology (ika-5th (na) edisyon). McGraw-Hill Book Company. ISBN 0-07-037181-4. LCCN 86010586. OCLC 13703170.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Nolan, Patrick; Lenski, Gerhard Emmanuel (2009). Human Societies: An Introduction to Macrosociology (ika-Rev. and Updated 11th (na) edisyon). Boulder: Paradigm Publishers. ISBN 978-1-59451-578-1. LCCN 2008026843. OCLC 226355644.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Magbasa pa
- Bicchieri, Cristina; Muldoon, Ryan; Sontuoso, Alessandro (24 Setyembre 2018). "Social Norms". Sa Zalta, Edward N. (pat.). Stanford Encyclopedia of Philosophy (ika-Winter 2018 (na) edisyon). Metaphysics Research Lab, Stanford University. ISSN 1095-5054. LCCN sn97004494. OCLC 37550526. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Marso 2020. Nakuha noong 12 Enero 2024.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Boyd, Robert; Richerson, Peter J. (12 Nobyembre 2009). "Culture and the evolution of human cooperation". Philosophical Transactions of the Royal Society B: Biological Sciences. 364 (1533): 3281–3288. doi:10.1098/rstb.2009.0134. LCCN 86645785. OCLC 1403239. PMC 2781880. PMID 19805434.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Calhoun, Craig, pat. (2002). Dictionary of the Social Sciences. New York, NY: Oxford University Press. ISBN 0-19-512371-9. LCCN 00068151. OCLC 45505995.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Clutton-Brock, T.; West, S.; Ratnieks, F.; Foley, R. (12 Nobyembre 2009). "The evolution of society". Philosophical Transactions of the Royal Society B: Biological Sciences. 364 (1533): 3127–3133. doi:10.1098/rstb.2009.0207. LCCN 86645785. OCLC 1403239. PMC 2781882. PMID 19805421.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Griffen, Leonid (2021). "The Society as a Superorganism" (PDF). The Scientific Heritage. 5 (67): 51–60. ISSN 9215-0365. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 21 Setyembre 2021. Nakuha noong 12 Enero 2024.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Jenkins, Richard (2002). Foundations of Sociology: Towards a Better Understanding of the Human World. London, UK: Palgrave MacMillan. ISBN 978-0-333-96050-9. LCCN 2002071539. OCLC 49859950.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Lenski, Gerhard (1966). "Agrarian Societies [Parts I & II]". Power and Privilege: A Theory of Social Stratification. McGraw-Hill Book Company. pp. 189–296. ISBN 0-07-037165-2. LCCN 65028594. OCLC 262063.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Postone, Moishe (1993). Time, Labour, and Social Domination: A Reinterpretation of Marx's Critical Theory. United Kingdom: Cambridge University Press. ISBN 978-0-521-56540-0. LCCN 92035758. OCLC 26853972.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Rummel, Ruldolph Joseph (1976). "The State, Political System and Society". Understanding Conflict and War, Vol. 2: The Conflict Helix. SAGE Publications. ISBN 978-0-470-15123-5. LCCN 74078565. OCLC 59238703. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Marso 2022. Nakuha noong 12 Enero 2024.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Williams, Raymond (1976). Keywords: A Vocabulary of Culture and Society. London, UK: Fontana/Croom Helm. ISBN 0-85664-289-4. LCCN 76377757. OCLC 2176518.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)