Magturo mula Kahit Saan
Nagbibigay sa mga guro at pamilya ng mga tool at tip na kailangan nila para makatulong sa patuloy na pag-aaral ng mga estudyante.
Piliin ang tamang mga tool para sa iyo
Wala ka bang Google Workspace for Education account? Tingnan ang tab na mga paaralan para malaman kung paano makakapag-sign up ang iyong administrator para sa aming hanay ng mga tool na walang binabayaran.
Ang Pinakabago
-
Mga bagong feature ng Google Meet para suportahan ang pagtuturo at pag-aaral
Matuto tungkol sa mga bagong feature ng Google Meet na ilulunsad sa katapusan ng taon na tutulong sa mga guro na mas paghusayin ang pakikipag-ugnayan at pagkontrol sa content sa malayuan o pinaghalong paraan ng pag-aaral.
-
Available na para sa lahat ang Assignments
Ang Assignments ay isang application para sa learning management systems na nagbibigay sa mga guro ng mas mabilis at mas simpleng paraan upang magbahagi, pag-aralan, at bigyan ng grado ang gawain ng estudyante – lahat sa pamamagitan ng kakayahan ng Google Workspace na pag-ugnayin ang lahat.
-
Mga bagong feature ng Classroom para tulungang pamahalaan ang mga klase
Mga bagong feature na nagpapahusay sa paggawa ng klase at tumutulong sa pag-track ng assignments at sa mas mabuting pag-unawa ng paggamit. May bago ring resources para sa first-time users.
Paano ako remote na magtuturo sa pamamagitan ng mga video call?
-
I-set up ang iyong bahay para sa pakikipag-video call
Maghanap ng lokasyong may malakas na signal ng WiFi, may magandang natural na liwanag, at may hindi magulong background.
-
Magsimula ng video call sa iyong klase
Sa Google Meet, puwede kang gumawa ng mga video call at puwede mong imbitahan ang iyong buong klase.
Tutorial -
I-record ang iyong mga aralin para sa agarang pag-playback
I-record ang iyong mga aralin para mapanood ito ng iyong mga mag-aaral at katrabaho sa ibang pagkakataon.
Tutorial -
I-livestream ang iyong mga aralin
Sa livestreaming, makakatipid ng bandwidth sa mas mahihinang koneksyon sa internet. I-record ang iyong mga aralin at i-post ang mga ito sa Classroom para ma-access ng mga mag-aaral sa ibang pagkakataon.
Tutorial
Paano ko papamahalaan ang isang virtual na classroom?
-
Gawin ang iyong unang assignment sa Google Classroom
Tumutulong sa mga guro ang Google Classroom na gumawa at magsaayos ng mga assignment, magbigay ng feedback, at makipag-ugnayan sa kanilang mga klase.
Tutorial -
Gumawa ng website ng klase para sa iyong mga mag-aaral
Gamit ang Google Sites, madali kang makakagawa ng mga pribadong website ng klase para mag-host ng impormasyon, mga worksheet, mga video, at higit pa ng aralin.
Tutorial -
Isaayos ang iyong aralin gamit ang Google Slides
Sa Google Slides, mabibigyang-buhay ang iyong mga aralin gamit ang iba't ibang tema ng presentation, naka-embed na video, animation, at higit pa.
Tutorial -
Gumawa, magbahagi, at mag-edit sa Google Docs
Makipag-collaborate nang real time gamit ang Google Docs, kung saan makakagawa, makakapag-edit, makakapagbahagi, at makakapag-print ka ng mga dokumento, lahat sa isang lugar.
Tutorial
Paano ko gagawing naa-access ng lahat ang mga aralin?
-
Gumamit ng mga live caption
Gumamit ng mga caption sa Meet at Slides para suportahan ang mga mag-aaral na Bingi o may problema sa pandinig, o para tulungan ang mga mag-aaral na mag-focus.
Tutorial -
Gumamit ng screen reader para magbasa nang malakas ng text
Gamitin ang built-in na screen reader sa Chromebooks at Google Workspace para sa mga mag-aaral na bulag at malabo ang paningin.
Tutorial -
Alamin ang tungkol sa mga feature ng pagiging naa-access sa isang Chromebook
Turuan ang iyong mga mag-aaral kung paano gamitin ang mga feature ng pagiging naa-access na built in sa kanilang mga Chromebook.
Tutorial -
Alamin ang tungkol sa mga feature ng pagiging naa-access sa Google Workspace
Turuan ang iyong mga mag-aaral kung paano gumamit ng pantulong na teknolohiya sa Google Workspace, tulad ng pag-type gamit ang boses at suporta sa braille.
Tutorial
Paano ko mapapanatiling naeengganyo ang aking mga mag-aaral?
-
Suportahan ang talakayan ng mag-aaral
Maghikayat ng talakayan sa pamamagitan ng paghimok sa mga mag-aaral na mag-post ng mga tanong at komento sa Google Classroom.
Tutorial -
Mag-iskedyul ng 1:1 na oras
Mag-set up ng mga slot ng appointment sa Google Calendar para makapag-book ang mga mag-aaral ng mga indibidwal na one-on-one o panggrupong session sa iyo.
Tutorial -
Gumawa ng online na quiz gamit ang Google Forms
Magtakda at awtomatikong magbigay ng grado sa mga quiz at pagsusulit gamit ang Google Forms.
Tutorial -
Magbigay ng real-time na feedback sa Google Docs
Suportahan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng feedback habang may ginagawa sila sa Google Docs.
Tutorial
Paano ako makikipag-ugnayan sa ibang guro?
-
Magtabi ng oras para sa mga virtual na coffee break nang magkakasama
Mahalagang manatiling may pakikipag-ugnayan sa mga katrabaho. Gumawa ng mga regular na coffee break na event sa Calendar at imbitahan ang iba na sumali sa pamamagitan ng Google Meet.
Tutorial -
Magbahagi ng mga resource sa pagtuturo online
Kung gumagawa ka ng mga resource na magagamit ng ibang guro, ibahagi ang mga ito sa Google Drive.
Tutorial -
Manatiling nakikipag-ugnayan gamit ang instant messaging
Gamitin ang Google Chat para manatiling may pakikipag-ugnayan sa mga katrabaho. Mag-set up ng mga panggrupong chat para magawa mong makipag-ugnayan sa mas maliliit na grupo.
Tutorial -
Magbahagi ng mga update sa lahat ng staff
Gamitin ang Google Groups para gumawa ng mailing list para mapanatiling updated ang lahat ng iyong katrabaho.
Tutorial
Para subukan ang mga suhestyon para sa site na ito, kakailanganin mo ng Google Workspace for Education account. Magagamit ang Google Workspace for Education nang walang binabayaran para sa mga kwalipikadong paaralan sa buong mundo.
Paano ko makukuha ang Google Workspace for Education para sa aking paaralan?
-
Hakbang 1 - Mag-sign up
Kumpletuhin ang form sa pag-sign up para sa iyong paaralan. I-verify na pagmamay-ari mo ang domain. Puwedeng abutin nang ilang araw ang pag-apruba, kaya nagpapasalamat kami sa iyong paghihintay.
Tutorial -
Hakbang 2 - Gumawa ng mga user at tukuyin ang istruktura
Magdesisyon tungkol sa istruktura ng organisasyon para sa paglalapat ng mga setting at patakaran, at mag-upload ng csv file ng mga user.
Tutorial -
Hakbang 3 - I-configure ang mga setting
Piliin kung sinong mga user ang may access sa kung aling mga serbisyo, at ilapat nang madali ang mga setting para mapanatili silang ligtas at secure.
Tutorial -
Hakbang 4 - Magbigay ng pagsasanay
Hindi natatapos ang pagpapayaman ng kaalaman. Mag-explore ng mga pagsasanay at resource sa teknolohiya para sa mga guro sa Teacher Center ng Google for Education.
Paano ako makakakuha ng mga Chromebook para sa paaralan ko?
-
Unang Hakbang - Bumili ng mga Chromebook at Chrome Education Upgrade
Una, makipag-ugnayan sa gumagawa ng Chromebook, sa isang reseller, o sa team ng Google for Education para bumili ng mga Chromebook kasama ang software para pamahalaan ang mga ito.
-
Pangalawang Hakbang - Mag-enrol at i-set up ang inyong mga device
Pagkatapos ninyong matanggap ang inyong mga Chromebook at Chrome Education Upgrades, i-enrol at i-set up ang mga ito, o gumawa ng plano upang ang mga gagamit mismo ang mag-enrol ng mga ito.
-
Pangatlong Hakbang - Pamahalaan ang mga polisiya at settings ng inyong device
Gamit ang Google Admin console, maaari ninyong i-configure ang higit sa 200 na policy settings kagaya ng Wi-Fi settings, pagpili ng mga app na naka-preinstall, at automatic na pag-update ng mga device sa pinakabagong version ng Chrome operating system.
-
Ikaapat na Hakbang - Ipauwi ang mga Chromebook o ipaiwan sa paaralan
Ihanda ang mga Chromebook para maiuwi ng mga estudyante o magamit ng lahat sa paaralan.
Ngayong sa bahay na ginagawa ang mga gawaing pampaaralan, mas matagal na ang iginugugol na oras ng mga mag-aaral online kumpara dati. Narito ang mga tip at tool para tulungan ang mga pamilyang pamahalaan at suportahan ang paggamit ng teknolohiya ng mga bata.
Paano ko malalaman ang tungkol sa teknolohiyang ginagamit ng aking anak para sa paaralan?
-
Alamin ang tungkol sa mga tool ng Google
Basahin ang aming Mga Gabay ng Tagapag-alaga para tulungan kang malaman kung paano ginagamit ng mga guro at mag-aaral ang mga produkto ng Google, mula sa mga Chromebook hanggang sa Google Workspace for Education.
-
Mag-set up ng mga Chromebook para magamit sa bahay
Alamin kung paano i-set up at gamitin ang lahat ng feature na built in sa Chromebook ng iyong anak para magamit sa bahay.
-
Maghanap ng mga resource ng accessibility para sa mga estudyanteng may mga kapansanan
Suportahan ang iyong anak kung mayroon siyang partikular na pangangailangan o kapansanan sa pamamagitan ng pag-explore sa mga built in na feature ng pagiging naa-access sa Google Workspace at mga Chromebook.
-
Makakuha ng tulong sa gawain sa paaralan
Gamitin ang Socratic, isang learning app na pinapagana ng Google AI, para tulungan ang mga mag-aaral na maunawaan ang mga gawain sa antas ng high school at unibersidad.
Alamin ang higit pa
Paano ko papamahalaan ang paggamit ng teknolohiya ng aking anak at paano ko siya tutulungang manatiling ligtas online?
-
Bumuo ng mabuting digital na gawi
Gamitin ang Family Link app para magtakda ng mga digital na panuntunan para tumulong na gabayan ang iyong anak habang natututo, naglalaro, at nag-e-explore siya online.
-
Tulungan ang mga bata na manatiling ligtas online
Gamitin ang mga pampamilyang resource ng Be Internet Awesome para turuan ang mga mag-aaral kung paano maging mas ligtas at mas may kumpiyansang explorer ng mundo online.
-
Mag-navigate sa digital na mundo nang magkasama
Gumawa kami ng gabay para magpasimula ng mga produktibong pag-uusap at matukoy ang mga mabuting gawi na epektibo para sa iyong buong pamilya.
-
Mag-explore nang ligtas online gamit ang Interland
Tulungan ang iyong mga anak na matuto tungkol sa mga pangunahing kaalaman sa pagiging online citizen at kaligtasan gamit ang isang interactive na laro.
Saan ako makakakita ng higit pang content para masuportahan ang pag-aaral ng aking anak?
-
Pumili ng masayang adventure para sa iyong pamilya
Tumuklas ng nakakaaliw na impormasyon, magagandang aktibidad, at nakakasurpresang kwento na mae-explore kasama ang Google Arts and Culture.
-
Mga resource para sa kaalaman para sa buong pamilya
Makakahanap ang mga magulang at tagapag-alaga ng pantulong na content at aktibidad sa pag-aaral sa YouTube.
-
Mga nakakaaliw na aktibidad sa pag-code na puwedeng subukan sa bahay
Puwedeng gamitin ng mga magulang at tagapag-alaga ang gabay na ito para tulungan ang mga bata na makapagsimula sa CS First, isang nakakapanghimok na video-based na curriculum kung saan itinuturo ang pag-code sa pamamagitan ng mga hands-on na aktibidad.
Paano ako makikipag-ugnayan sa paaralan ng aking anak? At paano kung ibang wika ang ginagamit ko?
-
Tingnan ang buod para sa tagapag-alaga mula sa Classroom
Kung gumagamit ang paaralan ng iyong anak ng Google Classroom, hilingin sa kanyang guro na i-enable ang mga buod para sa tagapag-alaga para makatanggap ng pangkalahatang-ideya sa email ng kanyang mga assignment.
-
Mamahala ng mga tawag gamit ang Google Meet
Ikaw at ang iyong anak ay puwedeng mag-set up ng mga video at audio call sa mga guro gamit ang Meet.
-
Pahusayin ang pag-unawa sa pamamagitan ng Google Translate
Mag-translate ng mga pag-uusap sa iyong phone, o gamitin ang camera para mag-translate ng mga salita, dokumento, o email para makipag-ugnayan sa ibang wika.
-
Gamitin ang interpreter mode
Gamitin ang interpreter mode ng Google Assistant para magsalin ng mga pag-uusap sa pagitan ng mga wika gamit ang Assistant sa iyong phone o sa smart device mo kung mayroon ka.
Paano ako makakakita ng higit pang resource mula sa mga pinagkakatiwalaang organisasyon?
-
Maghanap ng mga aktibidad para sa pamilya sa Wide Open School
Maghanap ng mga pampamilyang aktibidad gamit ang koleksyong ito ng pinakamagagandang karanasan sa online learning para sa mga bata, na na-curate ng mga editor sa Common Sense.
-
Maghanap ng mga resource mula sa Family Online Safety Institute
Maghanap ng mga gabay, tool, at resource para sa kaligtasan online at mabuting digital parenting mula sa Family Online Safety Institute (FOSI).
-
Makakuha ng higit pang impormasyon sa ConnectSafely.org
Maghanap ng mga pangkaligtasang tip, mga guidebook para sa magulang, payo, balita, at dalawang beses sa isang linggong webcast na nakabatay sa pananaliksik sa lahat ng aspeto ng paggamit ng teknolohiya at patakaran tungkol dito mula sa ConnectSafely.org.
-
Mga sumusuportang organisasyon na tumutulong na panatilihing ligtas ang mga bata online
Alamin kung paano sinusuportahan ng End Violence Fund ang mga proyekto sa buong mundo na nagpoprotekta sa mga bata mula sa online na pananamantala at pang-aabuso.
-
Manatiling updated sa National PTA
Maghanap ng mga resource tungkol sa social at emosyonal na suporta, pag-aaral sa bahay, at mga mabuting gawi mula sa National PTA.
-
Gumawa ng Kasaysayan gamit ang StoryCorps
Isang online tool na nagbibigay-daan sa iyong mag-record ng makabuluhang pag-uusap kasama ang isang mahal sa buhay nang malayuan, at ipreserba ito sa Library of Congress.
-
Maghanap ng mahusay na teknolohiya para sa pag-aaral mula sa ISTE
Nag-curate ang ISTE at EdSurge ng listahan ng mga produkto na iniaalok ng mga kumpanya at organisasyon para suportahan ang pag-aaral sa panahon ng extended na pagsasara ng mga paaralan.
Kumonekta sa iyong lokal na komunidad
-
Mga lingguhang webinar
Sumali sa amin sa mga lingguhang virtual na pagsasanay sa produkto at webinar sa distance learning.
MANATILING NAKAANTABAY -
Mga peer community
Sumali sa isang lokal na Google Educator Group para kumonekta at magbahagi sa iba sa iyong komunidad.
MATUTO PA -
Mga Virtual na Oras sa Opisina
Sumali sa pag-uusap na #TeachFromHome sa aming virtual na Oras sa Opisina at mga lingguhang chat sa Twitter.
SUMALI
Karagdagang suporta at inspirasyon
-
Mga karagdagang app at tool na partner para sa teknolohiya
Gumawa ng mga resource ang mga partner ng Google for Education para suportahan ang mga paaralang may distance learning.
-
Makahanap pa ng mga resource para sa distance learning
Magkaroon ng access sa pagsasanay sa produkto, mga webinar, at mga pinakabagong update namin sa page ng resource tungkol sa COVID-19 sa Google for Education.
-
Makakuha ng karagdagang tulong
Bisitahin ang Help Center ng Google for Education at mga forum ng produkto para magtanong at makaugnayan mismo ang mga eksperto ng produkto.
Tungkol sa Magturo mula Kahit Saan
Naaapektuhan ng mga pagsasara ng paaralan ang mga guro, mag-aaral, at magulang kahit saan. Sa hindi karaniwang panahon ngayon, makakatulong ang teknolohiya para gawing mas madali at mas accessible ang distance learning.
Ang Magturo mula Kahit Saan ay isang inisyatibong pinapangunahan ng Google, na nagbibigay sa iyo ng lahat ng kailangan mo para makapagsimula. Magagamit nang walang binabayaran ang aming mga secure na tool, na dinisenyo para bigyang-daan ang collaborative na pagtuturo at pag-aaral - kahit saan, kahit kailan, at sa anumang device. Kaya patuloy ang edukasyon, anuman ang mangyari.
Ang aming mga local partners
-
Q Software Research Corporation
Pinamunuan at pinatakbo ng Q Software Research Corporation ang mga mahahalagang upskilling programs para sa online learning habang sarado ang mga eskwelahan sa Pilipinas.
Matuto Pa