Ang Pagpaplano Sa Pagtuturo Ngfilipino
Ang Pagpaplano Sa Pagtuturo Ngfilipino
Ang Pagpaplano Sa Pagtuturo Ngfilipino
MODYUL
BASAHIN MO!
Halimbawa: Elementarya
Panlahat na Layunin
Isaalang-alang ang higit na naiibigang estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Alamin din ang kanilang interes at
ang antas ng kahusayan sa wikang pag-aaralan. Ang mga impormasyong ito ay makatutulong sa pagtiyak kung anong
kagamitang panturo, gawain, estilo sa pagkatuto at pamaraan, at teknik ang gagamitin sa pagtuturo.
Lahat ng bagong pagkatuto ay kinakailangang mag-ugat sa dating alam na ng mga mag-aaral. Samakatuwid,
bago gamitin ng guro ang dating alam na ng mga mag-aaral para sa isang pagtuturo, kailangang tiyakin niva na kung
ano na ang alam ng mag-aaral sa paksang tatalakayin, ang wikang gagamitin, ang mga uri ng gawain, at iba pa.
Mag-isip ng mga gawaing tiyak na kawiwilihan ng mga mag-aaral, Kung maaari, maglaan ng mga gawaing
hahamon sa kanilang kakayahan at mga siwasyong mapaglalapatan ng mga kasanayang nililinang ng aralin.
E.Mga Kagamitang Panturo
Pagkatapos matiyak ang mga gawain, pag-iisipan naman ng guro ang mga angkop na kagamitan (audio-visual)
para sa bawat gawain at kung paano ito lubusang magaganmit para sa isang makabuluhang pagtuturo at pagkatuto.
Ang bisa ng isang kagamitang panturo ay nakasalig sa sining at agham ng paggamit nito sa proseso ng pagtuturo ng
guro at pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ang angkop at wastong gamit ng wika ay hindi matatawaran sa malinaw na pagbibigay ng panuto at proseso ng
gawain para maisakatuparan ng mga mag-aaral nang maayos at tama ang kahingian ng bawat aralin. Kasangkapan ito
sa pagpapatanggap ng kaalaman at pagpapadaloy ng kamalayan sa mga mag-aaral. Hindi dapat na mapaso ang mga
mag-aaral sa wikang sisidlan o kargahan ng kaalaman.
Ang tukoy na oras o takdang panahon para sa lahat ng gawain at yugto ng gawaing pagtuturo-pagkatuto sa
loob ng silid-aralan ay dapat na malinaw at kontrolado ng guro upang matiyak na maging makabuluhan at produktibo
ang bawat pagtalakay.
H. Partisipasyong Guro-Mag-aaral
Kailangang pag-isipan ding mabuti ng guro sa yugto ng pagpaplano ng aralin ang haba o tagal ng partisipasyon
ng guro at mag-aaral. Dapat nivang isaisip na ang partisipasyon ng bawat kasangkot sa isang pagtuturo-pagkatuto sa
loob ng silid-aralan ay naaayon sa uri ng leksiyon at ng mga layuning nililinang dito.
Upang maiwasagawa ito, nang maayos, kailangang tiyakin ng guro na ang itinakdang oras para sa isang
Gawain ay naaayon sa layuning nililinang para sa Gawain. Minsan napahahaba ang talakay sa isang yugto ng aralin at
naisasakripisyo tuloy ang dapat na talakay sa isang mahalagang bahagi ng aralin.
Ang pagsisimula at pagtatapos ng isang aralin ay naaayon sa kung ano ang ituturo, ang sariling pananaw ng
guro sa wika at kung paano ito natutuhan, at ang paraang kaniyang pinagbabatayan.
Ang iba't ibang guro ay may ibat ibang paraan ng pagpaplano. Maramaming salik ang nakaimplunwensiya sa
isang guro bago makagawa ng sistema na bagay sa kaniya. Ano pa at ang bawat estilo ay masasabi nating dumaan sa
proseso. Dapat pag-aralan ng isang mag-aaral sa pagiging guro ang iba-ibang modelo na ginagamit bilang planong
pang-instruksiyon upang sa gayon ay makagawa siya ng sariling estilo na bagay sa kaniya kapag siya ay nagtuturo na.
Ngunit hindi roon dapat nagtatapos ang lahat. Kapag siya ay ganap na isang guro na, makabubuting ipagpatuloy ang
pagtingin sa mga available na planong pang- instruksiyon sapagkat ito ay batayan ng kaniyang patuloy na pag-unlad
bilang guro. Wika nga, ang propesyon ng isang guro ay "walang katapusang pag-aaral."
Mararanasan at makikita ng isang guro na ang pagdidisenyo ng epektibong banghay-aralin ay masalimuot at di-
simpleng gawain. Ang pagtuturo ay isang gawaing nakapananabik" at nangangailangan ng mayamang imahinasyon.
Ang mga guro ay nasa posisyon upang magdisenyo ng mga planong pang-instruksiyon na gagamitin sa pagtuturo sa
klase.
Hindi rin natatapos sa pagpaplano ang gawain ng isang guro. Higit na mahalaga sa lahat ng ito ang
aktuwalisasyon ng lahat ng kaniyang plano. Dito makikita ng isang guro ang tunay na epekto, kung mayroon man, ng
lahat ng kaniyang mabubuting iniisip para sa kaniyang mga mag-aaral. Ang anumang pinakamagandang banghay-
aralin ay mababalewala kapag ito ay kulang sa ehekusyon. Ang banghay-aralin ang pinakakaluluwa ng propesyon sa
pagtuturo. Ang pagsasakatuparan nito sa loob ng silid-aralan ang pinakakatawan nito.
Naririto ang isang modelong banghay-aralin na ang pormat ay kalimitang ginagamit sa Pilipinas batay sa
DepEd Order No. 42, series of 2016:
I. LAYUNIN (Objectives)
1. Pangkaalaman (Knowledge)
2. Pangkasanayan (Skills)
3. Pangkaugalian (Attitude)
A. Sanggunian (Referrences)
A. Pagbabalik-aral at/o Pagpapakilala ng Bagong Aralin (Reviewing previous lesson/s or presenting the new
lesson)
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin (Presenting examples/instances of the new lesson)
D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan No. 1 (Discussing new concepts and
practicing new skills no. 1)
E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan No. 2 (Discussing new concepts and
practicing new skills no. 2)
SAGUTIN MO!
Gawain 1:
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga katanungan at sagutin ito nang buong ingat. Ilahad ang iyong sagot
sa ibang papel. (10 puntos bawat bilang)
1. Bakit mahalaga na ang guro ay makagawa ng isang mabisang pagpaplano bago siya magturo?
3. Ano-ano ang mahahalagang salik na dapat isaalang-alang bago gumawa ng plano sa pagtuturo?
PUNTOS DESKRIPSYON
Nasagot nang wasto ang tanong at naipaliwanag nang malinaw ang opinyon nang may
10 sapat na halimbawa at/o patunay.
7 Nasagot nang wasto ang tanong, naipaliwang ang sagot ngunit hindi sapat ang
patunay.