Filipino Novels
Filipino Novels
Filipino Novels
The novel begins months before the onset of the Philippine–American War. Because of
the war, Pedring and Geli got separated from each other. Geli and her mother,
together with other Filipinos in the affected provinces in Luzon, had to flee their
homes and became displaced. Pedring and Geli meets again in Antipolo after five
years. They were reunited under tragic circumstances. Geli was dying. Geli was also
pregnant after becoming a victim of rape during the war. Geli's rapist was a
Katipunan member. Geli wants Pedring to become her avenger.
Ipinakilala sa nobela ang isang tauhang mula sa pakikihamok laban sa mga Amerikano
noong 23 Abril 1899. Nakilala ng tagapagsalaysay si Koronel Puso na nagkuwento
naman hinggil sa naging karanasan sa dalagang may pangalang "Liwayway." Ang kuwento
ng nobela, kung gayon, ay hindi tungkol sa tagapagsalaysay, kundi sa nabatid niyang
karanasan nang makilala si Koronel Puso.
BAYANG NAGPATIWAKAL
Bayang Nagpatiwakal (1948) ang nobela ni Lazaro Francisco, at nagsasalaysay hinggil
sa pangangailangan ng pagkakaisa ng sambayanan upang umangat ang kabuhayan.
Inilahad sa nobela ang tunggalian ng dalawang pangkat. Ang isang panig ay ang Club
Granero na binubuo ng mayayamang negosyanteng sina Don Benigno, Don Alejandro,
Ismael Hansen Jr. Ang kabilang panig naman ay binubuo nina Hen. Atanacio
Maglanagkay, Binyang, at Javier na nagpapatakbo ng kanilang negosyong Philippine
Transit Corporation. Si Don Benigno ay mabalasik na usurero, samantalang sina Don
Alejandro ay sakim na negosyanteng kakutsaba si Ismael na isang banyagang
negosyante. Magkakaroon ng gusot sa istorya nang bumagsak ang negosyo ng Philippine
Transit Corporation dahil wala itong natamong tangkilik mula sa taumbayan. Dahil sa
pangyayari, napoot si Javier at sinunog ang mga bus at gusali ng katunggaling
kompanya, at pagkaraan ay magtatago kung saan. Lilipas ang panahon at magbabalik
siya at nagbalatkayong si Rey Vajit Ossan. Nagtayo ng sariling kompanya ng bus at
malaking asukarera si Rey, at nagtagumpay na wasakin ang lahat ng negosyo ng
kaniyang kalaban. Nang lumakas ang kaniyang monopolyo, tinaasan niya ang presyo ng
lahat ng produktong ipinagbibili niya. Nagalit ang pamayanan sa gayong kasakiman.
Nagsikap na magkaisa ang mga tao upang makapagpundar ng sapat na puhunan upang
bilhin ang pag-aari ng negosyante. Ngunit nangabigo sila. Sinabi ni Rey na aalis
lamang siya sa bayan kung sasama sa kaniya si Anita. Lingid sa kaalaman ng
nakararami, sinadya ni Javier na gawin ang mga kasuklamsuklam na bagay upang
pagalitin ang mga tao at kumilos at magkaisa sila na tipunin ang kanilang yaman at
lakas upang labanan ang gaya ng ibong mandaragit na gaya ni Rey.