PT Araling Panlipunan 4 q2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


TAGKAWAYAN DISTRICT I
SAN DIEGO ELEMENTARY SCHOOL
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN IV

Pangalan:________________________________________________Iskor:____________

Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.Bagong lipat lang sa lugar ang mag-anak na Reyes. Napansin nila na malapit sa dagat ang kanilang lugar
at ang mga tao doon ay halos lahat ay may bangka. Ano ang posibleng maging hanapbuhay ng mag-anak
doon?
A. magsasaka B. maghahabi C. mangingisda D. tubero
2. Alin sa mga sumusunod ang mga produkto sa pagsasaka?
A. paghahabi ng tela B. pilak at ginto C. palay, mais at gulay D. perlas at kabibe
3. Ang mga lugar na maraming bato at luwad ay may hanapbuhay na __________.
A. pangingisda B. pagkakaingin C. pangangaso D. paglililok
Tukuyin kung anong uri ng kapakinabangan ang tinutukoy sa bawat bilang. Hanapin sa loob ng
kahon ang sagot.

A. Kalakal at Produkto B. Turismo C. Enerhiya

_______4. Bulkang Mayon _______5. ginto, pilak at tanso _______6. Bangui Windmill

7. Ang tawag sa pag-iiba-iba ng klima ng mundo .


A. Global Warming B. Polusyon C. Climate Change D. Pagkakaingin
8. Ano ang nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga yamang tubig?
A. Paghuli ng isda sa dagat C. Pagtatapon ng mga basura at langis sa katubigan
B. Paliligo sa dagat D. Pagbebenta ng mga yamang dagat
9. Ano ang mangyayari kung hindi natin pangangalagaan nang maayos ang ating likas na yaman?
A. Masisira ang ating paligid at mawawalan ng yaman ang susunod na salinlahi.
B. Magiging maayos pa ang kabuhayan ng mga tao
C. Mapapakinabangan pa natin ang ating likas na yaman..
D. Magiging mas maunlad ang ekonomiya.
10. Ang iyong kapatid ay mahilig magtapon ng mga bagay na alam mong maaari pang gamiting muli. Ano
ang gagawin mo para maiwasto ang ginagawa ng kapatid mo?
A. Isusumbong ko siya sa aming mga magulang.
B. Sasabihin ko sa guro niya na turuan ang kapatid ko tungkol sa 3Rs (reduce, reuse at recycle).
C. Kukunin ko ang mga itinatapon niya na pwede ko pang mapakinabangan.
D. Tuturuan ko siya kung paano muling mapakinabangan ang mga bagay na akala niya ay basura na.
11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong paggamit ng likas na yaman?
A. Pagsusunog ng basura C. Paggamit ng dinamita sa pangingisda
B. Bio-intensive gardening D. Pagtatayo ng pabrika malapit sa ilog o dagat
12. Isa sa mga maunlad at masaganang lungsod sa bansa.
A. Pampanga B. Benguet C. Bicol D. Davao
13.Kanino pananagutan ang magbigay ng kaalaman sa mga mag-aaral ukol sa tamang paraan ng
pangangasiwa ng likas na yaman?
A. Pamahalaan B. Paaralan C. Simbahan D. Pamilya
14. Tungkulin ng _________________ na hubugin ang mga anak nang may pagpapahalaga sa kalikasan.
A. Pamahalaan B. Paaralan C. Simbahan D. Pamilya
15. Ito ay batas na naglalayong protektahan ang mga yamang koral sa katubigan ng Pilipinas.
A. PD 705 B. Republic Act 428 C. PD 1219/1698 D.Republic Act 6678
16. Habang ikaw ay nasa daan pauwi sa inyong tahanan, nakita mong sinisira ng isang bata ang mga
halaman ng inyong kapitbahay. Ano ang iyong gagawin?
A. Hayaan mo na lang siya.
B. Isusumbong at ipapahiya sa kapitbahay.
C. Sabihin na hidi dapat paglaruan ang mga halaman, nararapat itong alagaan.
D. Tularan ang kanyang ginagawa.
17. Alin ang HINDI wastong mungkahing paraan ng pangangasiwa ng likas na yaman?
A. Pag-iwas sa paggamit ng mga nakasasamang kemikal sa pananim.
B. Pagtatayo ng bahay sa ibabaw at tabi ng ilog o estero.
C. Alagaan ang mga halaman sa paligid.
D. Paggawa ng compost pit
18. Ang Marikina ay tanyag sa paggawa ng __________.
A. bagoong B. muebles C. sumbrero D. bag at sapatos
19. Saan matatagpuan ang malawak na taniman ng palay?
A. Gitnang Luzon B. Gitnang Visayas C. Gitnang Mindanao D. Kalakhang Manila
20. Nais ng aking ina na bumili ng perlas para sa aming magkakapatid. Kanino sa mga sumusunod kong
tiyahin kami lalapit para makabili ng perlas?
A. Sa aking Tiya Maria na taga-Bicol C. Sa aking Tiya Arsenia na taga-Sulu
B. Sa aking Tiya Lucia na taga-Bicol D. Sa aking Tiya Soledad na taga-Cagayan
21.Ito ay nagsisilbing isa sa mga hamon para sa mga magsasaka.
A. Makabagong teknolohiya C. Bagong pag-aaral tungkol sa pagpaparami ng ani
B. Kawalan ng kontrol sa presyo ng mga produkto D. Paghikayat sa mga OFW na mamuhunan
22. Kabilang sa mga hamon sa mga gawaing pangkabuhayan sa Pilipinas tulad ng pangingisda at pagsasaka
ang pagbabago ng klima at iba pang likas na mga pangyayari tulad ng kalamidad at El Niño phenomenon.
Ano ang ibig ipakahulugan nito?
A. Malaki ang epekto ng kalikasan sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa.
B. Maraming hamon at opotunidad na hinaharap ang iba’t ibang mga gawaing pangkabuhayan sa bansa.
C. Sa kabila ng mga hamon, dapat puro oportunidad lamang ang isipin ng mga magsasaka at mangingisda.
D. Dapat manatiling matatag ang mga magsasaka at mangingisda dahil marami pang ibang hamon sa
darating sa kanila.
23. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng Philippine Strategy for Sustainable Development (PSSD)?
A. Mahikayat ang mga mamamayan na magkaroon ng disiplina sa sarili.
B. Magsagawa ng iba’t ibang paraan upang matugunan ang pangangailanagn ng tao.
C. Makontrol ang pag-aangkat ng produkto sa ibang bansa.
D. Mapalakas ang turismo sa bansa.
24. Paano makatutulong ang isang guro sa pagpapaunlad ng likas kayang pag-unlad o sustainable
development?
A. Pagbabawas sa paglaki ng mga rural na lugar C. Pag-aayos ng mga nasirang ecosystem
B. Pagpapaigting ng edukasyong pangkalikasan D. Pagkakaroon ng Property Rights Reform
25. Ang pangkat-etnikong gumawa ng Hagdan-hagdang Palayan sa pamamagitan lamang ng kanilang
malikhaing kamay.
A. Ivatan B. Manobo C. Ifugao D. Samal

26. Naglalagay ng disenyong sarimanok sa kanilang mga bahay.


A. Cebuano B. Muslim C. Waray D. Ilonggo
27. Sa kanila natin natutunan ang pagsasagawa ng malaking pista at pag-aalala sa Santong Patron ng mga
bayan.
A. Arabe B. Tsino C. Amerikano D. Espanyol
28. Ang pagpapahalaga sa edukasyon at kalusugan ang pinakamahalagang kontribusyon nila sa ating bansa.
A. Arabe B. Tsino C. Amerikano D. Espanyol
29. Anong simbahan ang matatagpuan sa Intramuros na itinatag noong 1598 ?
A. San Agustin B. Paoay C. Immaculate Conception D. San Isidro
Labrador
30. Matatagpuan ang simbahang ito sa Ilocos Norte na gawa sa mga hinubog na korales at bricks.
A. San Agustin B. Paoay C. Immaculate Conception D. San Isidro
Labrador
31. Sino ang nagsulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo?
A. Marcelo H. Del Pilar B. Jose Rizal C. Francisco Baltazar D. Lope K. Santos
32. Ang pinakadakilang pintor sa lahat ng panahon.
A. Juan Luna B. Carlos Francisco C. Fernando Amorsolo D. Damian Domingo
33. May malapit na ugnayan ang pamilyang Pilipino.
A. tama B. mali C. siguro D. ewan
34. Ang kaugaliang nagiging masigasig lamang sa umpisa ngunit hindi natatapos ang gawain.
A. mañana habit B. bahala na C. ningas cogon D. pakikisama
35. Ang Lungsod ng Batangas ay maunlad na lungsod. Maraming mall at malalaking gusali dito. Marami
ding mga tindahan sa bayan. Mas maraming tao ang makikita sa bayan lalo na sa Sabado at Linggo. Ano
kayang hanapbuhay ang bagay sa mga taong nakatira sa kabayanan?
A.magtitinda B. magsasaka C.mangingisda D. karpintero
36. Ang bansa natin ay napapaligiran ng katubigan. Napakayaman ng ating mga anyong-tubig at maraming
mga nakukuhang yamang-tubig dito. Ano ang pinakamaraming angkop na hanapbuhay ng mga tao sa ating
bansa?
A. mangingisda B. magsasaka C. abogado D. drayber
37. Tumayo ng tuwid habang ianaawit ang pambansang awit.
A. wasto B. hindi wasto C. malamang D. ewan
38. Ano ang sinisimbulo ng kulay pula sa ating pambansang watawat.
A. kalinisan B. kapayapaan C. kagitingan D. kasipagan
39. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa kulturang Pilipino maliban
sa isa.
A. Pagtangkilik sa larong Pinoy. C. Pagsasaliksik sa mayamang kultura ng bansa.
B. Paggalang sa watawat ng Pilipinas. D. Pagkalimot sa ating tradisyon.
40. Ano ang dapat gawin ng mga taong magkaiba ang kultura sa isang komunidad.
A. Makipaglaban sa isa’t isa upang magkaroon ng iisang nangungunang kultura lamang.
B. Magtulungan sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad.
C. Mag-iwasan para maging mapayapa ang komunidad.
D. Ipagwalang-bahala na lamang.
TABLE OF SPECIFICATION IN AP IV
Second Grading

No. of Level of Difficulty Total


Percen No. of
Contents Days No. of
t
Taught Items Easy Average Difficult Items
1. Nailalarawan ang mga gawaing
pangkabuhayan sa iba't ibang lokasyon
ng bansa
1.1. Naiuugnay ang kapaligiran sa uri 1 2.22 0.89 1 1
ng hanapbuhay #1
1.2. Naihahambing ang mga produkto 2 4.44 1.78 1 1
at kalakal na matatagpuan sa iba't ibang #2
lokasyon ng bansa.
1.3 . Nabibigyang-katwiran ang pag-aangkop 1 2.22 0.89 1 1
na ginawa ng mga tao sa kapaligiran upang #3
matugunan ang kanilang pangangailangan
2. Nailalarawan ang iba't ibang pakinabang 3 6.67 2.67 2 1 3
pang ekonomiko ng mga likas yaman #4,#5 #6
ng bansa.
3. Nasusuri ang kahalagahan ng matalinong
pagpapasya sa pangangasiwa ng mga
likas na yaman ng bansa
3.1. Natatalakay ang ilang mga isyung 2 4.44 1.78 2 2
pangkapaligiran ng bansa #7,#8
3.2. Naipaliliwanag ang matalino at di- 3 6.67 2.67 1 1 1 3
matalinong mga paraang pangangasiwa #9 #10 #11
ng mga likas na yaman ng bansa
3.3. Naiuugnay ang matalinong panga- 2 4.44 1.78 1 1
ngasiwa ng likas na yaman sa pag-unlad #12
ng bansa
3.4. Natatalakay ang mga pananagutan 3 6.67 2.67 2 1 3
#13,#1
ng bawat kasapi sa pangangasiwa at 4 #15
pangangalaga ng pinagkukunang yaman
ng bansa
3.5. Nakapagbibigay ng mungkahing 2 4.44 1.78 1 1 2
paraan ng wastong pangangasiwa ng likas #16 #17
yaman ng bansa
4. Naiiugnay ang kahalagahan ng pagtangkilik 3 6.67 2.67 2 1 3
ng sariling produkto sa pag-unlad at #18,#1 #20
9
pagsulong ng bansa
5. Natatalakay ang mga hamon at oportunidad 3 6.67 2.67 1 1 2
sa mga gawaing pangkabuhayan ng #21 #22
bansa
6. Nakakalahok sa mga gawaing lumilinang 2 4.44 1.78 1 1 2
sa mga pangangalaga at nagsusulong ng #23 #24
likas kayang pag-unlad ng mga likas yaman
ng bansa.
7. Nailalarawan ang mga pagkakakilanlang
kultural ng Pilipinas
7.1. Natutukoy ang ilang halimbawa ng 3 6.67 2.67 1 1 2
kulturang Pilipino sa iba't ibang rehiyon #25 #26
ng Pilipinas
7.2. Natatalakay ang kontribusyon ng mga 2 4.44 1.78 1 1 2
iba't ibang pangkat sa kulturang Pilipino #27 #28
7.3. Natutukoy ang mga pamanang pook 2 4.44 1.78 1 1 2
bilang bahagi ng pagkakakilanlang #29 #30
kulturang Pilipino

7.4. Nakagagawa ng mungkahi sa pag- 2 4.44 1.78 1 1 2


susulong at pagpapaunlad ng kulturang #31 #32
Pilipino
8. Nasusuri ang papel na ginagampanan 3 6.67 2.67 1 1 2
ng kultura sa pagbuo ng pagkakilanlang #33 #34
Pilipino
9. Naipapakita ang kaugnayan ng heograpiya, 2 4.44 1.78 1 1 2
kultura at pangkabuhayang gawain sa #35 #36
pagbuo ng pakakilanlang Pilipino
10. Natatalakay ang kahulugan ng pambansang 2 4.44 1.78 1 1 2
awit at watawat bilang mga sagisag ng #37 #38
bansa
11. Nakabubuo ng plano na magpapakilala 2 4.44 1.78 1 1 2
ng pagmamalaki sa kultura ng mga #39 #40
rehiyon sa malikhaing paraan
45 100 40 24 12 4 40

File Submitted by DepEd Club Member


-visit depedclub.com for more
Credit to the author of this file

You might also like