Esp4 - q2 - Mod6 - Mga Gawain Mo Igagalang Ko

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Mga Gawain Mo, Igagalang Ko
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Marilou B. Tria


Co-Author - Content Editor : Emelita M. Jaime
Co-Author - Language Reviewer : Ma. Luisa R. Bacani
Co-Author - Illustrator : Renalyn L. Muli
Co-Author - Layout Artist : Niza Jane D. Pamintuan

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Lyn L. Espiritu
District SLM Language Reviewer : Cris V. Regala

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Kinder/EsP : Jacqueline C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Printed in the Philippines by Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: [email protected]
4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Mga Gawain Mo, Igagalang Ko
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao at


Ikaapat na Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Mga Gawain Mo, Igagalang Ko.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Ikaapat na Baitang


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Gawain Mo, Igagalang Ko.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang mabigyang-pansin


at maisagawa nang mapanuri ang pagpapahalaga at paggalang sa kapwa at sa
kanilang mga ginagawa sa araw-araw.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. Nakapagpapakita ng paggalang kapag may nag-aaral, at pakikinig kapag may
nagsasalita/nagpapaliwanag (Esp4P-IIf-i-21)

1.1 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggalang sa mga taong nag-aaral


at nagsasalita/nagpapaliwanag

1.2 Nakapagbibigay ng mungkahi at halimbawa ng mga sitwasyon na


nagpapakita ng paggalang sa nag-aaral at nagsasalita/nagpapaliwanag

1.3 Naipapakita ang paggalang sa kapwa sa iba't ibang paraan.

1
Subukin

Bago ka magsimula na tuklasin ang modyul na ito halina’t subukin natin kung
gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling tatalakayin!

Ayusin ang mga letra upang mabuo ang hinihinging salita na may kinalaman sa
paggalang sa kapwa at sa mabuting maidudulot nito. Sagot na lang ang isulat sa
iyong sagutang papel.

1. p a i k i k i n g a s n g a a s s a l i t a

2. a m a o y s a n p a g a s a s m a

3. m a g n a d a g n r e l s a y o n

4. a k u b t i n a h a s k a w p a

5. l i g s a t n a k a l g a a y a n

6. p g a b i i b g a y g n k o n s d e i r a s y o n

7. m a p y a p a a n g p a a m a y n a n

8. p a g a p a p a h l a g a a s m a d a d m i n g n a b i

9. p a g a k k a i s a

10. g n a l a g g a p a s a t o n g g a n - a r a l a
2
Aralin
Mga Gawain Mo, Igagalang
1 Ko
Ang paggalang sa gawain ng iba ay maaaring maipakita sa simpleng pamamaraan.
Sa pakikipagtalastasan, ang pakikinig ay isang paraan ng pagpapakita ng paggalang
at pagpapahalaga sa iba.

Sa pakikipag-usap mo sa iba bilang isang bata ay hindi lamang ikaw ang laging
nagsasalita, marunong ka rin dapat makinig at pahalagahan ang mga sinasabi ng
iba. Nagustuhan mo man o hindi ang kanilang sinasabi, kailangan mo pa rin ipakita
ang iyong paggalang sapagkat sila ang nagsasalita. May mga tao rin naman na
ninanais na igalang sila sa kanilang pag-aaral, kaya naman bilang tanda ng
pagpapahalaga mo sa kanila ay kinakailangan mong irespeto ang nais nila na
magkaroon ng tahimik, ligtas at maayos na lugar na kanilang pag-aaralan.

Balikan

Ikaw ba ay nasasabik nang simulan ang modyul na ito. Balikan mo muna ang
nakalipas na aralin. Ano pang hinihintay mo? Tara na!

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat sa katapat ng bawat bilang kung
paano maipapakita ang wastong paggalang sa iba sa oras ng pagpapahinga at kung
may sakit. Sagot na lamang ang isulat sa iyong sagutang papel.

Sitwasyon Dapat gawin para maipakita ang


paggalang sa kapwa

1. Nagpapatugtog ng malakas si
Rolan nang dumating ang
kaniyang Nanay Linda at pumasok
sa kuwarto upang magpahinga.

2. Nakita ni Alice na natutulog ang


mag-ina sa pasilyo malapit sa
daraanan niya.

3
3. Pagpasok ni Luz sa kaniyang
kuwarto, nakita niyang nakahiga
at nagpapahinga ang ate niya sa
higaan.

4. Dumating ka galing sa
paaralan, at pagpasok mo sa
bahay ay nakita mong natutulog
ang kapatid mo sa sala.

5. Inutusan si Froilan na isarado


ang lahat ng bintana sa bahay
nila pati na rin ang bintana sa
kuwarto ng Lola niyang may sakit.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay tumutulong sa mga mag-aaral na nasa ikaapat
na baitang upang matutunan ang tunay na pakikipagkapwa sa
pamamagitan ng pagpapakita ng paggalang sa iba kapag may nag-
aaral, nagsasalita o nagpapaliwanag.

Tuklasin

Nakakita ka na ba ng batang ginugulo ng ibang mga bata habang nag-aaral? May


nakita ka na rin bang isang bata na nagsasalita at ang lahat ay nakikinig sa kaniya?
Minsan akala mo na ang lahat ng nakikita mo ay normal at ayos lang kaya
binabalewala mo, subalit may importanteng mensahe pala ang mga iyon. Halika at
ating tuklasin at unawain ang ginawang tula ni Austin para sa atin na may
magandang mensaheng kapupulutan natin.

4
Paggalang sa Kapwa
(ni Marilou B. Tria)

Paggalang sa kapwa ay mahalaga


Ito’y nagbubunga ng magandang pagsasama
Dapat nating ibigay ito sa bawat isa
Ang buhay ay sasaya at magkakaisa

Nais kong makamtan maayos na kalagayan


Na kapag nag-aaral walang ingay saanman
Sa tuwing nagsasalita inyo sanang pakinggan
Laman nitong isipan at kalooban

Pakikinig sa iba kapag nagsasalita


Isa itong paraan ng pakikipagkapwa
Sa mga taong nag-aaral paggalang ipakita
Ang pagpapahalaga ay ibigay sa isa’t isa

Kaya mga kabataan, atin ng simulan


Tungkuling nakaatang, dapat lang gampanan
Maging mabuti at magalang na mamamayan
Para sa tahimik at mapayapang pamayanan

Nagustuhan mo ba at naunawaan ang tula na ginawa ni Austin? Kung ganon,


sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan. Sagot na lamang ang isusulat mo
sa iyong sagutang papel.

1. Tungkol saan ang tula ni Austin?

2. Ano daw ang dapat gawin kapag may nagsasalita? Kapag may nag-aaral?
3. Bakit kailangang ipakita natin ang ating paggalang sa iba sa oras ng kanilang
pag-aaral? Kapag may nagsasalita/nagpapaliwanag?

4. Ayon sa tula, ano ang kabutihang naidudulot sa pakikinig sa nagsasalita at


paggalang sa mga taong nag-aaral?

5. Magbigay ng sariling karanasan o nasaksihang sitwasyon na nagpapakita ng


paggalang sa mga taong nag-aaral at nagsasalita/nagpapaliwanag.

5
Suriin

Bago ka magpatuloy, basahin mo muna ang simpleng pagtatalakay sa ating aralin


upang lubusan mong maunawaan ang konsepto tungkol sa paggalang sa kapwa.
Halika na at iyong pag-aralan.

Ang pakikipagkapwa-tao ay isang pakikipamuhay at


pakikisalamuha sa iba’t ibang tao na sinasamahan ng respeto at
pagmamahal. Ang mga pagpapahalagang ito ay nakabatay sa
kung paano kumilos at gumalaw ang isang tao para sa kaniyang
sarili lalo’t higit sa kaniyang kapwa.

Maaaring maipakita ang paggalang sa iba sa pamamagitan ng


kilos at gawa. Nakakaapekto ang mga ginagawa natin sa mga
taong nakapaligid sa atin, gayundin naman tayo ay
naaapektuhan nila sapagkat tayo ay magkakaugnay. Mahalagang
bigyan ng paggalang ang kahit na sinong tao sapagkat ang lahat
ay karapat-dapat dito.

Ang paggalang na ating ibinibigay sa iba ay nagdudulot ng


maayos na samahan, payapang kalooban at tahimik na
pamayanan. May iba’t ibang paraan upang maipakita natin ang
paggalang sa ating kapwa. Isa na rito ay ang pakikinig sa kanila
kapag sila ay nagsasalita at nagpapaliwanag. Maaari rin na
pagpapakita ng paggalang ang pagbibigay ng konsiderasyon sa
pangangailangan sa oras, lugar at pag-aaral ng ibang mag-aaral.
Dapat din isaalang-alang ang karapatan sa tahimik, ligtas at
maayos na lugar.

Unawain at isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Bakit mahalaga na matutuhan mong igalang ang ibang tao kapag sila ay nag-
aaral, nagsasalita o nagpapaliwanag? Pag-isipan at sagutin. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

6
Pagyamanin

Upang mapagtibay ang iyong pang-unawa sa pinag-aralan natin, ating pagyamanin


ang lahat ng iyong natutunan sa pamamagitan ng pagsagot sa iba’t-ibang
pagsasanay. Handa ka na ba? Halika na!

A. Unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang tama kung ang
ipinapahayag sa bawat pangungusap ay nagpapakita ng paggalang sa iba sa oras ng
pag-aaral, nagsasalita/nagpapaliwanag. Isulat naman ang mali kung hindi
nagpapakita ng paggalang. Sagot na lamang ang isulat sa iyong sagutang papel.

______1. Nakikinig nang mabuti si Marisa sa panuto na pinapaliwanag ng kaniyang


guro.

______2. Madalas nagkukuwentuhan sina Carmen at Donna sa loob ng simbahan sa


tuwing sila ay nagsisimba.

______3. Hinihintay muna ni Jessica na matapos manood ng balita ang kaniyang ate
bago niya inililipat sa ibang palabas dahil alam niya na mahalaga ito sa kaniyang
takdang-aralin.

______4. Kahit hindi nagugustuhan ni Rafael ang kinukuwento ng kaniyang


kaibigan, patuloy pa rin siyang nakikinig dito.

______5. Tumatambay lagi si Arman sa harap ng silid-aralan ng kaniyang kuya sa


oras ng klase.

______6. Ang hiniram na gamit ni Lucy ay ibinalik niya nang tahimik kay Gemma
dahil nakikita niyang nag-aaral ito para sa susunod na aralin.

______7. Nagsasalita sa ibabaw ng entablado ang punong-guro nila Elena kaya hindi
siya gumagawa ng ingay na makagagambala sa pagsasalita nito.

______8. Hindi nakikinig si Sandra sa tuwing pagsasabihan siya ng kaniyang inay


tungkol sa ginawa niyang pagkakamali.

______9. Naglalakad nang tahimik at marahan si Rico sa pasilyo ng silid-aralan


upang hindi siya makaabala kapag may nagkaklase.

7
_____10. Nakaugalian na ng pamilya ni Janet ang pakikinig sa isa’t isa sa tuwing
may nagsasalita.

B. Ibigay ang mga hinihinging kasagutan sa tanong sa bawat bilang. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

1. Gumuhit ng pisara at isulat dito ang salita o bagay na sumasalamin sa karapatan


o pangangailangan ng taong nag-aaral.

2. Gumuhit ng podium at isulat sa harap nito kung ano ang paggalang na dapat
ibigay sa taong nagsasalita at nagpapaliwanag.

8
Isaisip

Para malaman ko kung talagang naintindihan mo na nang lubusan ang ating aralin,
nais kong sagutan mo ang bahaging ito ng iyong modyul.

Buuin ang konsepto sa ibinigay na maze at isulat ang mga salita sa bawat linya sa
ibaba. Sagot na lang ang isusulat sa iyong sagutang papel. Maaaring magpatulong
sa mga nakatatandang kasama sa bahay.

G P A GGA L A Y I
N A L S
Y N A A
A G R N
G S A G
I A AB I A A U
B Y - R
I N G I
B A A R
G P T O N GM A A N G P A K P A K I TA KA TMA A N I P AP AHA I P AK I KAPWA .
A A I G . I A N I Y A N G L T T G I
P K A A A K P G M O S N A A A A N T
G A G N UB N MA S A I GA P G P IHA T S R G P TAN G P A I TA A O
N H U D S N N A G N A P G A A T S A
A A L AG
A . N A GB A NGP A G I R A A N G GA Y N A L UG AGGALAN NAD I P A D AM A N
G A G I G
S P A B P
A G L I A
Magsimula dito N N A B K
A A N G I
S A S G S AM , G A KGA P I K
A I G P A
L I T A A Y I NGA NG P WA - T A O .

Sagot:

Ang pagbibigay ____ _______________ ______ ______ ______


_________________. __________________ _____ ____ ___________ ___________.
_____ ___________ ____ ____________ ____ _______ __________ _____
_________________ _____ __________, ________ ______ ___________ ____
____________ _____ __________ _____ _______ _____ ___________ _____
_________ _____ _____ ____ ___________ ____ _______________ _____
________ ___________ _____ __________ _____ ________ _____________.
______ ______ _______________________.

9
Isagawa

Upang mas mapalawak pa ang iyong natutunan sa aralin, nais kong gawin mo ang
mga sumusunod na gawain.

A. Sumulat ng isang kasabihan na nagpapakita ng paggalang sa matatanda habang


sila ay nagsasalita at ipaliwanag ang mensahe ng nabuong kasabihan. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

B. Ipakita sa pamamagitan ng pagguhit ng isang sitwasyon ang paggalang sa taong:

a. nag-aaral
b. nagsasalita/nagpapaliwanag

Maaaring magpatulong sa kahit sinong miyembro ng pamilya o kasama sa inyong


tahanan.

10
C. Sumulat ng maikling tula na nagpapakita ng paggalang o pagpapahalaga sa
kapwa sa oras ng kanilang pag-aaral. Maaaring magpatulong sa kahit na sinong
miyembro ng pamilya o kasama sa inyong tahanan. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

11
Tayahin

Upang malaman ko kung talagang naunawaan mo na at may natutunan ka sa ating


aralin, sagutan mo ang iyong pagsusulit. Alam kong handang-handa ka na, kaya
tara na!

A. Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Magbigay ng mungkahi kung paano


mo maipapakita ang paggalang sa mga taong nagsasalita/nagpapaliwanag at nag-
aaral. Sagot na lamang ang isulat sa iyong sagutang papel.

1. Nasa covered court kayong magkakamag-aral para manood ng


palatuntunan tungkol sa Linggo ng Wika. Nakita mong nagdadaldalan
ang dalawa mong kaklase. Ano ang nararapat mong gawin?

2. May bisita ang kapitbahay ninyo na mga grupo ng mag-aaral upang


gumawa ng pagsasaliksik sa isang proyekto na kanilang ipapasa
kinabukasan. Ngunit, ang kapatid mo ay nagpapatugtog nang malakas
na musika at sa iyong palagay ay naririnig ito ng inyong kapit-bahay. Ano
ang maaari mong gawin?

3. Nagkaroon ng pangangampanya sa inyong silid-aralan ang mga


kandidato para sa eleksiyon ng Supreme Pupils Government o SPG ng
inyong paaralan. Ang bawat kandidato ay nagsasalita. Napansin mong
ang iyong katabi ay hindi nakikinig at nagsusulat. Ano ang tamang
gagawin mo?

12
4. Nag-aaral ng leksiyon ang ate mo sa kuwarto ninyo nang dumating
ang mga pinsan mo at malakas na nagtatawanan at nagkukuwentuhan.
Ano ang gagawin mo?

5. Nagdudula-dulaan sa harapan ng klase ang mga kamag-aral mo


tungkol sa paggalang sa kapwa at napansin mong ang iyong kamag-aral
sa iyong likuran ay nagtatawanan at nagbibiruan. Ano ang iyong
maaaring gawin?

B. Magbigay ng limang (5) halimbawa ng mga sitwasyon na nagpapakita ng


paggalang sa nag-aaral at nagsasalita/nagpapaliwanag. Gumuhit ng kahon at isulat
sa loob nito ang iyong sagot.

1.

2.

13
3.

4.

5.

14
Karagdagang Gawain

Narito ang iba pang gawain para sa iyo upang pagyamanin ang iyong mga natutunan
sa ating aralin.

A. Sagutan ang dayagram. Sa bawat bilog ay nakalagay ang mga pangalan ng tao na
madalas mong nakakasalamuha, isulat sa kahon sa ibaba nito kung paano mo
naipakita ang iyong paggalang sa kanila habang sila ay nag-aaral o kaya naman ay
pakikinig habang sila ay nagsasalita o nagpapaliwanag. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

guro

magulang/
kamag-anak tagapag-alaga

kamag-aral

kaibigan kapitbahay

15
B. Gumuhit ng T-chart organizer sa iyong kuwaderno. Gamit ang tsart, ilagay sa
kanang bahagi nito ang mga sitwasyon na nasa ibaba na nagpapakita ng paggalang
sa nag-aaral, nagsasalita/nagpapaliwanag na nagawa mo na. Ilagay naman sa
kaliwa ang mga sitwasyon na hindi mo pa nagagawa. Sagot na lamang ang isulat sa
iyong sagutang papel.

Paggalang sa kapwa sa oras ng kanilang pag-aaral at pakikinig sa


nagsasalita/nagpapaliwanag

Hindi ko pa nagawa Nagawa ko na

Sitwasyon:

1. Humihinto ako sa ginagawa ko upang pakinggang mabuti ang sinasabi ng


mga nakatatandang kasama ko sa bahay.

2. Kahit hindi ko gusto ang sinasabi ng nagsasalita, nakikinig at iginagalang ko


pa rin siya.

3. Sa tuwing nagsisimba ako, iniiwasan kong makipag-usap sa katabi ko.

16
4. Tahimik kong ibinabalik ang bagay na hiniram ko upang hindi ako maka-
abala sa may-ari nito.

5. Iniiwasan kong gumawa ng anumang ingay na maka-aabala sa aking guro na


nagsasalita sa harapan.

6. Hinihintay ko muna na matapos ang kapatid ko sa kaniyang takdang aralin


bago ko buksan ang telebisyon upang hindi makaabala sa kaniya.

7. Iniiwasan kong magpalakad-lakad sa mga pasilyo ng aming paaralan upang


hindi ako makagambala sa mga nagkaklase.

8. Pinakikinggan kong mabuti ang mga tagubilin lagi sa akin ng aking mga
mahal sa buhay.

9. Hinihintay ko muna na matapos magpaliwanag ang aming guro bago ako


magtanong sa kaniya.

10. Nagbabasa ako ng tahimik sa klase upang hindi ko magambala ang aking mga
kamag-aral sa kanilang pagbabasa.

Pagmasdan sa tsart kung aling bahagi ang mas maraming laman. Ano ang gagawin
mo, kung kaunti lang ang nagawa mong paggalang? Ano naman ang maaari mong
gawin kung marami ka namang nagawang paggalang? Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Binabati kita sapagkat napagtagumpayan mo ang araling ito at alam ko na


nakahanda ka na para sa panibagong aralin. Maligayang paglalakbay para sa iyong
pagkatuto.

17
18
Tuklasin (Mga posibleng sagot)
1. Paggalang sa kapwa
2.Kapag may nagsasalita, dapat na
irespeto at pakinggan sila.
Suriin: Kapag may nag-aaral, kailangan na
walang maingay sa paligid at dapat
1. Mahalagang matutunang igalang tahimik na lugar upang hindi sila
maabala.
ang iba nang sa ganoon ay ibalik
3. Kailangan ipakita natin ang ating
din nila sa atin ang paggalang na
paggalang sa kanila dahil ito ay
ginawa natin sa kanila.
pagbibigay ng respeto at
pagpapahalaga sa kanila at upang
ganoon din ang gagawin nila sa atin.
4. Nagbubunga ito ng magandang
pagsasama at pagkakaisa.
5. Depende sa sagot ng bata.
Subukin:
1.pakikinig sa nagsasalita
2. maayos na pagsasama
3. magandang relasyon
4. kabutihan sa kapwa
Balikan:
5. ligtas na kalagayan
- depende sa sagot ng bata
6. pagbibigay ng konsiderasyon
7. mapayapang pamayanan
8. pagpapahalaga sa damdamin ng iba
9. pagkakaisa
10. paggalang sa taongg nag-aaral
ARALIN 1
Susi sa Pagwawasto
19
Tayahin (Mga posibleng sagot)
A.
1. Kakausapin sila ng mahinahon
at pahihintuin sila sa
pagkukuwentuhan upang makinig.
2. Ipaliliwanag sa kapatid at
kakausapin siya na hinaan ang
malakas na musika upang hindi
makaabala sa iba.
3. Mahinahon ko siyang
Karagdagang Gawain: kakausapin at sasabihin sa kaniya
na ihinto muna ang kaniyang
A. Depende sa sagot ng bata ginagawa upang making sa
nagsasalita
4. Papakiusapan ang mga pinsan
B. Depende sa sagot ng bata
na hinaan ang kanilang
pagkukuwentuhan at
pagtatawanan dahil nag-aaral ang
ate.
5. Mahinahong kakausapin ang
kamag-aral na manood at making
sa nagdudula-dulaan dahil may
magandang aral na mapupulot
dito.
B. Depende sa sagot ng bata
Isaisip: Pagyamanin:
Ang pagbibigay ng paggalang
A.
sa iba ay napakahalaga.
1. Tama 6. Tama
Nagbubunga ito ng magandang
pagsasama. Ang pakikinig sa 2. Mali 7. Tama
nagsasalita ay isang paraan ng 3. Tama 8. Mali
pagpapakita ng paggalang, maging 4. Tama 9. Tama
ang pagbibigay ng tahimik at maayos 5. Mali 10. Tama
na lugar sa nag-aaral ay isang uri rin B. ̸̸̸
ng paggalang at pagpapahalaga na
dapat ipakita at ipadama sa ating 1. tahimik at maayos na lugar
kapwa. Ito ang pakikipagkapwa-tao.
2. pakikinig sa nagsasalita
Sanggunian
DepEd (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Patnubay ng Guro (Tagalog). First
Edition.

DepEd (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Kagamitan ng Mag-aaral (Tagalog).


First Edition.

K To 12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon Sa Pagpapakatao Baitang 1-10. 2016.


Ebook. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/ESP-CG.pdf.

K To 12 Most Essential Learning Competencies With Corresponding CG Codes. 2020.


Ebook.
https://www.facebook.com/groups/LRMDSBataanModuleDevelopers/permalink/1
449809441876507/

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: [email protected]

21

You might also like