Block Rosary

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Gabay sa Pamimintuho sa

Mahal na Birheng Maria, Mapag-ampon


Sa mga Kristiyano
Pagluluklok Kay Maria, Mapag-ampon
Sa Isang Tahanan

Panalangin ng Pagtanggap:
(Babasahin ng Ama o Ina kasama ang mga anak at kasambahay)

Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak (+) at ng Espiritu Santo.


Amen
Kabanal-banalan at kalinis-linisang Birheng Maria,
Mapag-ampon sa mga Kristiyano, ang puso namin ngayon
ay tigib ng tuwa at kagalakan sa pagtanggap namin sa iyo sa
tahanan naming ito. Nais sana naming magpamalas ng
aming pasasalamat sa paraang karapatdapat para sa iyo.

Dahil dito, itinatalaga namin ang aming sarili sa banal


na paglilingkod sa iyo. Yayamang tumanggap ka ng di
mapapantayang kagalakan nang ikaw ay napili ng Diyos
bilang tagapag-ampon ng mga Kristiyano, hinihiling naming
pagkalooban mo kami ng mga biyayang kinakailangan ng
aming kaluluwa, upang sa gayon ay matunghayan namin
baling araw ang Diyos sa kalangitan.

O Kabanal-banalang Birhen, pagpalain mo ang


tahanang ito at ang aming mag-anak na buong lugod na
tumanggap sa iyo. Ipag-adya mo sa anumang karamdaman,
sa kasalanan, at sa tanang makakasama sa amin. Maghari
nawa ang kapayapaan sa tahanag ito, ang banal at matamis
na kapayapaang ipinapangaral ng iyong Anak na si Jesus.
Amen

(Isang Ama Namin, Isang Aba Ginoong Maria at Isang Luwalhati)


Ang Sto. Rosaryo

Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak (+) at ng Espiritu Santo.


Amen

N: Buksan mo Panginoon ang aming mga labi


B: At Pupurihin ka ng aming bibig

N: Pagpasakitan mo Panginoon ang Pag-ampon at Pag-


saklolo mo sa amin
B: Panginoon Magmadali ka sa Pagtulong sa Amin

N: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo


B: Kapara noong unang una, ngayon at magpasawalang
hanggan Amen.

SUMASAMPALATAYA

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa


lahat,
na may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya ako kay


Hesukristong iisang anak ng Diyos,Panginoon nating lahat;
nagkatawang-tao sya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio
Pilato,
ipanako sa krus, namatay inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng
mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit,
naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumula ang paririto’t huhukom sa nangabuhay at
nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,
sa Banal na simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga santo,
sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga namatay na tao.
At sa buhay na walang hanggan. Amen.

Ama Namin
Ama namin, sumasalangit Ka,
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo,
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa Langit.

Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw


At patawarin Mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.

Aba Ginoong Maria


Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos


Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen.

Luwalhati sa Ama
Luwalhati sa Diyos Ama, Diyos Anak, at sa Diyos Espiritu Santo.

Kapara nang sa unang-una,


ngayon at magpakailan man,
magpasawalang hanggan. Siya nawa.
Mga Misteryo ng Santo Rosaryo

Ang mga Misteryo ng Tuwa (Lunes at Sabado)

1.Ang pagbati ng anghel sa mahal na Birhen


2.Ang pagdalaw ni Birheng Maria kay Santa Isabel
3.Ang pagsilang ni Hesus sa mundo ng Anak ng Diyos
4.Ang paghahain sa Templo sa Anak ng Diyos
5.Ang paghahanap at pagkakita kay Hesukristo sa
Templo ng Herusalem
Ang mga Misteryo ng Liwanag (Huwebes)

1. Ang pagbibinyag ni Hesus sa Ilog ng Hordan.


2. Ang unang himala ni Hesus ng kanyang sarili sa
kasalan sa Cana.
3. Ang pagpapahayag ni Hesus ng Kaharian ng Diyos,
sa pagtawag patungo sa pagbabago
4. Ang pagbabagong-anyo ni Hesus sa bundok ng Tabor
5. Ang pagtatatag ni Hesus ng Banal na Eukaristiya
bilang pagpapahayag na Sakramental ng Misteryong
Paskwal kasama ang kanyang mga Apostoles
Ang mga Misteryo ng Hapis (Martes at Biyernes)

1. Ang pananalangin ni Hesus sa hardin ng Getsemani


2. Ang paghampas ni Hesus na nakagapos sa Haliging
Bato
3. Ang pagpaparangal ng mga Tinik ni Hesus
4. Ang pagpapasan ng krus ni Hesus
5. Ang pagpapako at pagkamatay ni Hesus
Ang mga Misteryo ng Luwalhati (Miyerkules at Linggo)

1. Ang pagkabuhay muli ni Hesus


2. Ang pag-akyat ni Hesus sa langit
3. Ang paglapag ng Diyos Espiritu sa Birhen Maria at
mga Apostoles
4. Ang pag-aakyat sa langit sa Mahal na Birhen
Kaluluwa at Katawan
5. Ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen
Bilang Reyna ng Langit at Lupa

Panalangin ng Fatima

O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo


kami sa apoy ng impiyerno.
Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo
na yaong mga walang nakakaalaala.

Aba Po Santa Mariang Hari

Aba Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa.


Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka
namin.
Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak
ni Eva.
Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming
pagtangis
dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka
namin,
ilingon mo sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na
si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na
Birhen.
V. Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang
Rosaryo.
R. Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako
ni Hesukristo.

Manalangin tayo:

Diyos at Panginoon namin, na ang bugtong na Anak Mo ay


siyang ipinapagkamit namin ng kagalinga't kabuhayang
walang hanggan sa pamamagitan ng kanyang
pagkakatawang-tao, pagkamatay at pagkabuhya mag-uli,
ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa Iyo, na sa pagninilay-
nilay namin nitiong mga misteryo ng Santo Rosaryo ni Santa
Mariang Birhen ay hindi lamang matularan namin ang mga
magagaling na halimbawang nalalarawan sa amin; kundi
naman makamtan namin ang mga kagalingang ipinangako
sa amin; alang-alang kay Hesukristo Panginoon namin; na
kapisan Mo at ng Espiritu Santo nabubuhay at naghahari
magpasawalang hanggan. Amen.

Litanya sa Mahal na Birheng Maria

Panginoon, maawa ka sa amin.


Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, paka-pakinggan mo kami.
Diyos Ama sa langit, Maawa ka sa amin.
Diyos Anak na tumubos sa sanglibutan,
Diyos Espiritu Santo,
Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos,
Santa Maria, Ipanalangin mo kami.
Santang Ina ng Diyos,
Santang Birhen ng mga Birhen,
Ina ng Kristo,
Ina ng grasya ng Diyos,
Inang kasakdal-sakdalan,
Inang walang malay sa kahalayan,
Inang 'di malapitan ng masama,
Inang kalinis-linisan,
Inang ipinaglihi na walang kasalanan,
Inang kaibig-ibig,
Inang kataka-taka,
Ina ng mabuting kahatulan,
Ina ng may gawa sa lahat,
Ina ng mapag-adya,
Birheng kapaham-pahaman,
Birheng dapat igalang,
Birheng dapat ipagbantog,
Birheng makapangyayari,
Birheng maawain,
Birheng matibay na loob sa magaling,
Salamin ng katuwiran,
Luklukan ng karungunan,
Mula ng tuwa namin,
Sisidlan ng kabanalan,
Sisidlan ng bunyi at bantog,
Sisidlan ng bukod-tanging katimtimann
Rosang bulaklak ng 'di mapuspos ng bait sa tao ang halaga,
Torre in David,
Torre na garing,
Bahay na ginto,
Kaban ng tipan,
Pinto sa langit,
Talang maliwanag,
Mapagpagaling sa mga maysakit,
Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan,
Mapang-aliw sa nangagdadalamhati,
Mapag-ampon sa mga kristiyano,
Hari ng mga anghel,
Hari ng mga patriarka,
Hari ng mga propeta,
Hari ng mga apostol,
Hari ng mga martir,
Hari ng mga confesor,
Hari ng mga Birhen,
Hari ng lahat ng mga santo,
Haring ipinaglihi na 'di nagmana ng salang orihinal,
Haring iniakyat sa langit,
Hari ng kasantu-santosang Rosaryo,
Hari ng kapayapaan.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng


sanlibutan. Patawarin mo po kami, Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng


sanlibutan. Paka-pakinggan mo po kami, Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng


sanlibutan. Maawa ka sa amin.

N: Sa iyong tangkilik kami’y dumudulog, O banal na Ina ng


Diyos, huwag mo nawang siphayuin ang aming mga
dalangin sa aming pangangailangan, bagkus iligtas mo kami
sa lahat ng panganib, O maluwalhati at pinagpalang birhen.
N: O Maria, Mapag-ampon sa mga Kristiyano
B: Ipanalangin mo kami
N: O Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin
B: At Sumapit nawa sa Iyo ang aming daing

N: Manalangin tayo:

O makapangyarihan at walang hanggang Diyos,


inihanda mo sa pakikipagkaisa ng Espiritu Santo ang
Katawan at kaluluwa ni Maria, Maluwalhating Birhen at Ina,
upang siya ay maging karapatdapat na tahanan ng Iyong
Anak. Loobin mo na sa kanyang panalangin, ay mailigtas
kami sa lahat ng kasamaan at sa kamatayang walang
hanggan, yayamang buong galak naming pinararangalan
siya. Alang alang kay Jesukristong aming Panginoon.

B: Amen

Memorare

Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria,


Na kailan ma’y di-narinig na may dumulog sa iyong pag-
aampon, Humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng
Iyong saklolo, Na Iyong pinabayaan.
Dala ng pag-asa na ito,
Dumudulog ako sa Iyo oh Birhen ng mga birhen,
aking Ina, sa Iyo ako’y lumalapit,
Sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati.
Oh Ina ng walang hanggang berbo,
Huwag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog,
Bagkus, sa Iyong habag,
Pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.
Panalangin Para sa mga Yumao

N: Kapayapaan Kailanman ay igawad ng Maykapal sa mga


Yumao nating Mahal
B: Sila nawa ay silayan ng Ilaw na walang hanggan
N: Mapahinga nawa sila sa Kapayapaan. Amen

Pangwakas

N: Pagpalain (+) nawa tayo na Panginoon, Patawarin tayo sa


ating mga kasalanan at Patnubayan tayo sa buhay na
walang hanggan

B: Amen.
Pagpapaalam

Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak (+) at ng Espiritu Santo.


Amen

O Inang Kaibig-ibig dumating na ang sandali ng


iyong paglisan sa aming maralitang tahanan na iyong
pinagingdapat na maging iyong ring tahanan sa loob ng
(Bangitin kung ilang araw) araw na pamamalagi mo sa
aming piling.

Di kayang banggitin ng aming mga labi ang


pasasalamat na naguumapaw sa aming mga puso. Udyok ng
iyong pagmamahal O Mahal na Ina, minarapat mong
makiisa sa aming kahit sandali. Maraming Salamat, mahal
na Ina, manumbalik kang muli sa aming piling, dito’y
hihintayin ka namin ng buong pananabik.

Sa Iyong Pagpanaog, O Mahal na Ina, baunin mo 13


ang aming13mga Puso, at nawa’y manatili kami sa iyong
kalinislinisang puso. Pagpalain mo kami at ang amin
tahanan Ngayon at Magpasawalang hanggan. Amen.

(Isang Ama Namin, Isang Aba Ginoong Maria at Isang


Luwalhati)
Pagtatalaga at Pag-aalay ng Tahanan Kay
Sta. Maria, Mapag-ampon sa mga
Kristiyano

O Kalinis-linisang Birheng Maria, Niloob ng Diyos na


ikaw ay maging tagapag-ampon ng mga Kristiyano. Ngayon
ay itinatalaga at inuukol namin ang aming tahanan at mag-
anak sa iyong kalinislinisang puso. Panagalagaan mo, Inang
kaibig-ibig ang aming abang pamamahay. Pabanalin mo
Ang aming pamilyang sa iyo’y nagmamahal. Ilayo mo kami
sa anumang kapahamakan; ang bawa’t nakapipinsalang
sunog, baha, kidlat at lidol, sampu ng mga magnanakaw at
masasamang loob. Pagpalain at patnubayan mo kami sa
lahat ng sandali. Pagindapatin mo na ang lahat ng
miyembro nang aming mag-anak, naririto man o wala ay
maligtas sa lahat ng kasamaang palad. At higit sa lahat ipag-
adya mo kami sa lahat ng tukso at kasalanan. Ikaw sana ay
maging Reyna ng aming pamamahay, na magmula ngayon
ay iyung-iyo, magpasawalang hanggan. Amen.
Awit sa Mahal Na Birheng Maria Auxilliadora

O Maria Auxilliadora
Ikaw ang aming Patrona
Mabunying Lingkod ng Diyos
Na sa amin ay hinirang

O Maria Auxilliadora
Ikaw ang aming patnubay
Ikaw ang aming tangkilik
Sa Diyos na Marangal

Mapalad ka , Mapalad ka
Mapalad Ka sa tanang lahi
Dakila ka, dakila ka
Mapag-ampon ng Binyagan

O Maria Auxilliadora
Ikaw ang aming patnubay
Ikaw ang aming tangkilik
Sa Diyos na Marangal

O Maria Auxilliadora
Marian Youth Choir
Mary Help of Christians Parish

Diocese of Caloocan

You might also like