Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Patungkol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tandang pagkakakilanlan ng Wikipedia.

Ang Wikipedia ay isang ensiklopedya na may malayang nilalaman na magkasamang sinulat ng mga tagapag-ambag mula sa buong mundo. Isang itong wiki - ibig sabihin, maaaring makapag-edit ang kahit sino ng mga artikulo sa pamamagitan ng pagpindot sa Baguhin (biswal na pagpapatnugot) o Baguhin ang wikitext (klasikong pagpapatnugot).

Ang Wikipedia ay isang tatak at pagmamay-ari ng Wikimedia Foundation, Inc. o Pundasyong Wikimedia.

Sakop ng lisensiyang unported (walang hurisdiksyon, hal. bansa) na Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 (CC BY-SA) ang lahat ng mga teksto sa Wikipedia, pati na rin ang karamihan sa mga larawan at iba pang nilalaman. Pag-aari pa rin ng mga lumikha ang kanilang mga inambag, samantalang tinitiyak naman ng lisensiyang GFDL na malayang maipapamahagi at mailalabas ang mga nilalaman nito (pakitingnan ang Karapatang-ari at ang Mga Pagtatanggi para sa karagdagang impormasyon).

Tungkol sa Wikipediang Tagalog

Logo ng Tagalog Wikipedia.

Ang Wikipediang Tagalog ay ang edisyon ng Wikipedia sa wikang Tagalog. Sang-ayon sa ibang mga Wikipedista ng mga Tagalog at Ingles na Wikipedia, ang Wikipediang ito na rin ang kumakatawan sa wikang Filipino.[1][2][3] Bagaman orihinal na ginamit ang Baybayin noong sinaunang panahon bilang sistema ng pagsusulat ng Tagalog, sulating Latin lamang ang ginagamit ng edisyong ito dahil ito ang pinakamalaganap na alam ng nakakarami sa nagsasalita ng Tagalog. At kahit yaong marunong magsulat ng Baybayin sa ngayon ay marunong din naman na magbasa ng Tagalog na sinulat sa alpabetong Latin. Ang pangunahin layunin ng Wikipedia ay mapalaganap ang kaalaman sa lahat, at hindi ang pagpepreserba ng wika o sistema ng pagsusulat tulad Baybayin.

Kasaysayan

Sinimulan ang Tagalog Wikipedia, Ang Malayang Ensiklopedya, noong 1 Disyembre 2003. Sa kasalukuyan, mayroon na itong 47,685 mga artikulo.[4]. Naging ika-10,000 artikulo ang Bantayan, Cebu noong 20 Oktubre 2007, samantalang ang Pasko sa Pilipinas ang naging ika-15,000 noong 24 Disyembre 2007.[5] Naabot ang ika-16,000 artikulo nang malathala ang Pandaka pygmaea noong 11 Marso 2008.[6] Nakumpleto sa Betawiki (o Translatewiki.net) ang pagsasapook o lokalisasyon ng pagsasalinwika ng mga mensaheng pangsopwer ng Tagalog Wikipedia noong 6 Pebrero 2009.[7]

Estadistika

Dahil sa pagbura ng mga maiikling artikulo na nagsimula noong 2018, bumaba sa baba ng 45,000 ang bilang ng artikulo ayon noong Disyembre 2022.

Mga unang hakbang ng Tagalog Wikipedia

Tingnan din

Paanyaya

Ibang mga wika sa Pilipinas na may Wikipedia

Mga panlabas na kawing

Mga kawing patungo sa ibang mga edisyon ng Wikipedia sa ibang mga wika ng Pilipinas

Mga kawing sa iba pang mga Wikipedia na nasa ibang mga wika

Iba pang mga kaugnay na kawing

Mga sanggunian