Soneto
Ang isang soneto ay isang anyong patula na nagmula sa tulaing nilikha sa Korte ng Banal na Imperyong Romano ni Federico II sa Sisilyanong lungsod ng Palermo. Binigyan kredito ang ika-13 dantaon na makata at notaryong si Giacomo da Lentini sa pag-imbento ng soneto, at ang Paaralang Sisilyano ng mga makata na pumapalibot sa kanya noon na pinakalat ang anyo sa pangunahing kalupaan. Bagaman, wala na ang mga pinakaunang mga soneto sa orihinal na wikang Sisilyano, subalit naisalin ang mga ito sa wikaing Toscano.
Hinango ang katawagang "soneto" mula sa salitang Italyano na sonetto (lit. "maliit na awitin", na hinango mula sa salitang Latin na sonus, nangangahulugang isang tunog). Pagsapit ng ika-13 dantaon, pinapahiwatig nito ang isang tula na may labing-apat na linya na sinundan ng isang mahigpit na pamamaraan at kayarian sa pagtugma.
Si Guittone d'Arezzo ang nagdala ng anyong soneto sa Toscana kung saan inangkop ito sa wikaing Toscano nang itinatag niya ang Sikulo-Toscano, o Guittoniyanong paaralan ng panulaan (1235–1294). Halos naisulat niya ang 250 soneto.[1] Sa mga iba pang sumunod na mga makatang Italyano, naging katangi-tangi ang mga soneto nina Dante Alighieri at Guido Cavalcanti, ngunit si Petrarch ang naging pinakatanyag at malawak ang impluwensya.
Naging laganap ang pagsulat ng soneto sa lipunang Italyano, at sa mga nagsasanay nito ay nakilala sa ibang larangan: halimbawa dito ang mga pintor na sina Giotto at Michelangelo, at ang astronomong si Galileo. Tinala ng akademikong si Giovanni Mario Crescimbeni ang 661 makata noong ika-16 na dantaon.[2] Kaya, napakakaraniwan ang soneto, na sa kalaunan, sa pananalita ng isang mananalaysay sa panitikan, "Walang kaganapan na napakaliit, walang napakapalasak, hindi makapapagbubukas ang isang mangangalakal ng isang mas malaking tindahan, hindi makakakuha ng karagdagang sweldo ng iilang scudi ang isang kawani ng pamahalaan subalit kailangang ipagdiwang ang kaganapan ng lahat ng kanyang kaibigan at kakilala, at bihisan ang kanilang pagbati sa isang kopya ng mga taludtod, na halos walang duda na ipinalagay sa anyong ito."[3]
Sang-ayon kay Christopher Blum, noong panahon ng Renasimyento, ang soneto ay naging "naging pagpipiliang paraan ng pagpapahayag ng romantikong pag-ibig".[4] Sa panahon din na iyon, kinuha ang anyo sa maraming iba pang bahagi ng wikang Europeo at sa kalaunan, kahit anumang paksa ay tinuturing na tinatanggap para sa mga manunulat ng soneto. Nagdulot ang pagkayamot sa patakaran ng anyo ng maraming pagkakaiba-iba sa pagdaan ng mga siglo, kabilang ang pag-iwan sa limitasyong quatorzain at kahit pa ang tugma sa kabuuan sa makabagong panahon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Kleinhenz, Christopher (2003). Medieval Italy: an encyclopedia, Volume 2, Christopher Kleinhenz (sa wikang Ingles). ISBN 9780415939317.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Critical History of the Sonnet", Dublin Review 79 (1876), p. 409 (sa Ingles)
- ↑ Richard Chevenix Trench, "The History of the English Sonnet" (London, 1884), p.ix (sa Ingles)
- ↑ Christopher O. Blum, "A Poet of the Passion of Christ", Crisis Magazine, 2 Abril 2012. (sa Ingles)