Pumunta sa nilalaman

Dragong Tsino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 20:02, 30 Oktubre 2020 ni Glennznl (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Dragong Tsino
Isang malapitang pagtanaw sa isang segmento ng pinintahang balumbon na Siyam na mga Dragon ni Chen Rong, ipininta noong 1244 noong panahon ng Dinastiyang Song.
Tradisyunal na Tsino
Pinapayak na Tsino

Ang mga dragong Intsik ay mga nilikhang mitikal sa mitolohiyang Intsik at kuwentong bayang Intsik. Sa sining na Intsik, ang mga dragon ay karaniwang nilalarawan bilang mga nilikhang mahaba, makaliskis, at parang ahas na may apat na mga paa. Sa terminolohiya ng yin at yang, ang dragon ay ang yang at karagdagan o pambuo sa yin na fenghuang ("piniks na Intsik").

Tradisyunal na sumasagisag ang mga dragon ng Tsina sa mga kapangyarihang mabisa at pangkapalaran, partikular na ang pagtaban sa tubig, patak ng ulan, unos o bagyo, at mga pagbaha. Ang dragon ay isa ring simbulo ng kapangyarihan, lakas, at mabuting kapalaran. Sa pamamagitan nito, ang Emperador ng Tsina ay karaniwang ginagamit ang dragon bilang isang sagisag ng kapangyarihang pang-imperyo.

Sa pang-araw-araw na wikang Intsik, ang mga taong napakahusay at namumukod-tangi ay inihahambing sa dragon samantalang ang mga taong walang kakayahan na walang nagawa ay ikinukumpara sa ibang mga nilikhang walang kahalagahan, katulad ng bulati. Ilang mga salawikain o kasabihan at mga kawikaan o salitaing Intsik ang nagtatampok ng mga pagtukoy sa dragon, halimbawa na ang "Umaasang ang isang anak na lalaki ay maging isang dragon" (望子成龍, iyong "maging isang dragon").

Mga dragong yari sa bago sa loob ng isang templo sa Fuzhou, Tsina.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

MitolohiyaHayopTsina Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya, Hayop at Tsina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.