Dinadala ng opisyal na Gmail app ang pinakamaganda ng Gmail sa iyong Android phone o tablet na may kasamang mahigpit na seguridad, real-time na mga notification, suporta sa maraming account at paghahanap na gumagana sa lahat ng iyong mail. Available din ang Gmail sa Wear OS para manatili kang productive at para mapamahalaan mo ang mga email mula sa iyong braso.
Gamit ang Gmail app, magagawa mong:
• Awtomatikong pigilan ang mahigit 99.9 porsyento ng spam, phishing, malware, at mga mapanganib na link na makarating sa iyong inbox
• I-undo ang pagpapadala, para maiwasan ang mga nakakahiyang pagkakamali
• I-on ang Google Chat para kumonekta, gumawa at makipag-collaborate sa ibang tao
• Mas maraming magagawa bilang isang grupo sa Spaces - isang nakalaang lugar para sa pagsasaayos ng mga tao, paksa, at proyekto
• Mag-enjoy sa mataas na kalidad na pakikipag-video call gamit ang Google Meet
• Mabilis na sumagot sa mga email gamit ang mga suhestyon ng Smart Reply
• Magpalipat-lipat sa pagitan ng maraming account
• Madaling mag-attach at magbahagi ng mga file
• Mabilis na maabisuhan kapag may bagong mail, gamit ang notification center, badge, at mga opsyon ng lock screen
• Maghanap sa iyong mail nang mas mabilis na may mga instant na resulta, mga paghuhula habang nagta-type, at mga mungkahi para sa pagbabaybay
• Mag-ayos ng iyong mail sa pamamagitan ng paglalagay ng label, paglalagay ng star, pag-delete, at pag-uulat ng spam
• Mag-swipe para mag-archive/mag-delete, para mabilis na malinis ang iyong inbox
• Magbasa ng iyong mail gamit ang naka-thread na mga pag-uusap
• Mag-auto-complete ng mga pangalan ng contact habang nagta-type ka mula sa iyong Google contacts o sa telepono mo
• Sumagot sa mga imbitasyon sa Google Calendar mula mismo sa app
• Magdagdag ng complication at tile ng Gmail sa iyong Wear OS watch para makakuha ng mabilis na pangkalahatang-ideya sa iyong mga email
Ang Gmail ay bahagi ng Google Workspace, na nagbibigay-daan sa iyo at sa team mo na madaling kumonekta, gumawa, at mag-collaborate. Magagawa mong:
• Kumonekta sa mga katrabaho sa pamamagitan ng Google Meet o Google Chat, magpadala ng imbitasyon sa Calendar, magdagdag ng pagkilos sa iyong listahan ng gawain, at higit pa nang hindi umaalis sa Gmail
• Gumamit ng mga iminumungkahing pagkilos — gaya ng Smart Reply, Smart Compose, mga suhestyon sa grammar, at nudge — para makatulong sa iyo na mapanatiling may kontrol sa trabaho at maasikaso ang mga simpleng gawain, para magawa mong magamit nang mas mahusay ang iyong oras
• Manatiling ligtas. Pinipigilan ng aming mga modelo ng machine learning ang mahigit 99.9% ng spam, phishing, at malware na maabot ang aming mga user
Matuto pa tungkol sa Google Workspace: https://workspace.google.com/products/gmail/
Subaybayan kami para sa higit pang impormasyon:
Twitter: https://twitter.com/googleworkspace
LinkedIn: https://www.linkedin.com/showcase/googleworkspace
Facebook: https://www.facebook.com/googleworkspace/
Na-update noong
Nob 25, 2024